Isinumite sa Senado ang isang resolusyong kumikilala sa pananalo kay screen veteran John Arcilla dahil sa pagkapanalo niya ng best actor sa prestihiyosong Venice International Film Festival.
Ang resolusyong isinumite ni Sen. Manuel “Lito” Lapid ay naglalayong parangalan si Arcilla na nakakuha ng Volpi Cup for Best Actor sa pelikulang “On The Job: The Missing 8.”
Sa direksyon ni Erik Matti, si Arcilla ang bida rito bilang isang corrupt journalist na kinukwestyon ang sarili sa kanyang katapatan sa isang politiko nang mawala ang walo niyang kasamahan.
“Ang pagkapanalo ni John Arcilla sa isang prestihiyoso at international award-giving body na gaya ng Venice International Film Festival ay isa lamang patunay na world-class talaga ang talento ng mga Pilipino sa maraming aspeto lalo na sa sining,” Lapid said. “Nagsisilbing inspirasyon ngayon si Arcilla sa mga artista at ibang pang mga kababayan natin na nasa mundo ng sining para magpursige pa lalo at ipakilala ang galing ng mga Pinoy sa buong mundo.”
Kinukunsidera ni John Arcilla ang Venice Film Festival award na simbolo ng narating niya sapag-arte.
Dati namang kasamahan ni Lapid si Arcilla sa primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano.” Umalis ang mambabatas sa ABS-CBN program noon pang February 2019, bago pa siya tumakbong senador.
“Saksi ako bilang Pinuno sa Probinsyano kung saan kami nagsama sa galing ni John Arcilla,” ani Lapid. “Marapat lamang na kilalanin natin ang natamong tagumpay ni John Arcilla bilang pagsunod na rin sa sinasabi ng ating Saligang Batas na dapat pahalagahan ang sining at kultura sa ating bansa tungo sa pagpapalakas ng ating pagmamahal sa bayan.”
Ang Venice International Film Festival ang pinakamatandang film festival sa buong mundo at isa sa tatlong pinakaprestihiyoso, kalebel ng Cannes at Berlin Film Festival. Si Arcilla ang kauna-unahang Southeast Asian talent na nanalo ng best actor sa Venice IFFF sa 78 taon ng kanilang kasaysayan.
Ipinalabas sa world premiere sa Venice ang “On The Job: The Missing 8” na full-length movie, bilang debut sa HBO Go. Ang sequel ay apat sa anim na episodes ng series format, habang ang unang pelikula, orihinal na na-released noong 2013, ay hahatiin bilang pilot at second episodes, na may karagdagang scenes. — KAYE NEBRE MARTIN
145 thoughts on “JOHN ARCILLA KINILALA SA SENADO”
Comments are closed.
757957 445702This web page is often a walk-through for all of the details it suited you with this and didnt know who to ask. Glimpse here, and youll undoubtedly discover it. 752832