JOHN ESTRADA, BALIK-KAPAMILYA

MOVIESTAR CHICKA

PATULOY ang rigodon ng mga artista ng Kapa­milya, Kapuso at Kapatid Network. Nauna ng nag-ober da bakod sina Bea Alonzo at Xian Lim sa Siyete at sina Janine Gutierrez naman at Sunshine Dizon sa Dos.

Ang aktor na si John Estrada na nasa TV5 ay babalik na uli sa Kapamilya network habang si Sid Lucero naman ay bumalik na sa Kapuso Network. Praktikal lang naman ang mga artista natin. Kung saan may offer at magkakatrabaho, natural doon sila.

Isa sa pinakabagong karakter na papasok sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ang karakter ni John, kasama pa ang iba pang mga artista gaya nina Julia Montes, Tommy Abuel, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, Joseph Marco at Rosanna Roces. Kasalukuyang nasa Ilocos Sur si John dahil sa ilang linggong lock in taping ng FPAP.

Huling napanood si John sa Kapamilya Network teleserye na “The Good Son” noong 2017 kasama sina Joshua Garcia, Eula Valdez, at Myl-ene Dizon bago siya lumipat sa Kapuso Network. Duda ng marami, malaki ang kinalaman ng kontrobesyang kinasangkutan nila ng matagal ng kaibigang si Derek Ramsay sa pag-aalsa balutan ni John. Masakit ang mga binitiwang salita ni Derek na kesyo hindi na niya itinuturing na kaibigan si John na matagal na niyang kaibigan at golf buddy. Naging business partners pa sila, at di rin dapat kalimutan ni Derek na si John ang naging tulay sa pagkikilala nila ni Ellen.

Nag-aabang ang lahat kung matutuloy ang season 3 ng sitcom na “John en Ellen” sa TV5 na kinabibilangan ni John, dahil nagkaproblema nga sila sa leading lady, matapos sabihin ni Ellen Adarna na hindi na siya babalik sa show. Dadalo rin kaya si John sa kasal nina Derek at Ellen? Dun natin malalaman kung bumalik na ang friendship nina John at Derek — kapag inimbita nila si John sa kanilang wedding.

SEN. MANNY OK LANG MATALO – MOMMY DIONESIA

mannyMALUWAG sa loob na tinanggap ni Mommy Dionesia ang pagkatalo ng anak na si Sen. Manny Pacquiao sa Cuban champion boxer na si Yordenis Ugas. Aminado ang ina ng Pambansang Kamao na sa kahit anong laban ay may nananalo at natatalo.

Unanimous ang desisyon ng mga hurado sa pagpili kay Ugas (sa scorecard na 115-113, 116-112, at 116-112) para mapanatili nito ang WBA super welterweight title laban kay Pacquiao. Kung si Mommy D ang tatanungin, ayaw na niyang lumaban pa uli si Pacman.  “Magretiro na siya. Sinabihan ko dati nu’ng nanalo siya na magretiro na siya. Ayaw niya. Siguro, saka na lang kung natalo siya. Ngayong natalo siya, mag­reretiro na siya.)

Tutok at inaabangan din ng marami ang reaksyon ni Jinkee Pacquiao sa pagkatalo ng kanyang mister. Tulad ng inaasahan ng marami ay isang mahigpit na yakap ni Jinkee at ng mga anak ni Pacman pagkatapos ng laban nito at sinabi kung gaano siya ka-proud sa asawa kahit natalo ito.

Sa post ni Jinkee: “To my dear husband Manny (heart emoji) “Words cannot express how proud I am of the Man you are. I’m proud to be your wife. You mean the world to me and all our children. “To You LORD, we continue to Offer our lives. “To God be all the glory!” May mga nagpaalala pa rin sa kontribusyon ni Pacman sa bansa.

Agaw-eksena rin ang post ni Kris Aquino sa Facebook at Instagram, “Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo. “No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU. Most of all recognizing that the real fight, yung totoong #laban is back here at home para sa mga kababayan mo, after what i am sure was a crushing loss, you truly are a man of faith. God will surely be guiding and healing both of you in the coming days. Tonight, nakita ko sa gitna ng pait ng pagkatalo kinayang ngumiti, magpakumbaba, humingi ng paumanhin, at magpasalamat ng isang taong kung tutuusin nagawa ang hindi na mapapantayan – mabigyan ang ating bansa ng 8 titles in 8 different weight divisions. Mabuhay ka @mannypacquiao”

PAOLO CONTIS, LJ REYES KUMPIRMADONG HIWALAY NA

SIGURO naman ay matitigil na ang pangu­ngulit ng mga supporters nina Paolo Contis at LJ Reyes matapos kumpirmahin ni Manay  Lolit Solis na hiwalay na nga ang dalawa.

Sa Instagram ni Solis noong Sunday, sinabi nito na walang “third party” sa hiwalayan ng dalawa, at walang kinalaman si Yen Santos dito. Hindi naman kata-katakang madawit siya dahil nagkasama sila sa pelikulang “A Faraway Land”. Paglilinaw ni Manay Lolit na may sariling lovelife si Yen kaya huwag na siyang idawit sa isyu.

Hanggang sa mga oras na ito ay nananati­ling tikom ang mga bibig nina Reyes at Contis. May isang anak sina LJ at Paolo na pinangalanan nilang Summer. Si Aki naman ay anak ni LJ sa dati nitong karelasyon na si Paulo Avelino.

7 thoughts on “JOHN ESTRADA, BALIK-KAPAMILYA”

  1. Hola, acabo de estar alerta a su blog a través de Google, y descubrí que es realmente informativo. Voy a tener cuidado con Bruselas. Estaré agradecido si continúas con esto en el futuro. Numerosas personas se beneficiarán de tu escritura.

  2. 80598 298861Its always great to learn suggestions like you share for blog posting. As I just started posting comments for weblog and facing dilemma of lots of rejections. I think your suggestion would be useful for me. I will let you know if its work for me too. 156066

  3. 191123 347961Oh my goodness! an superb post dude. Thank you Nonetheless Im experiencing dilemma with ur rss . Do not know why Cannot register for it. Could there be any person getting identical rss difficulty? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 320383

Leave a Reply

Your email address will not be published.