JOHN ESTRADA, IPINAKITA  ANG KALAGAYAN SA LOCK IN TAPING

NOEL ASINAS BLOG

ISINAMA ni John Estrada ang kanyang Instagram followers sa isang quick tour sa lock-in taping ng upcoming Kapuso series na Babawiin Ko Ang Lahat.JOHN ESTRADA

Sa video na ibinahagi ng aktor ay ipinasilip niya ang lugar kung saan sila kasalukuyang nakatira sa Batangas. Bago sumabak sa eksena, ikinuwento rin ng aktor ang ginagawa niyang exercise gaya ng pagtakbo.

Ayon pa kay John, challenging ang pagte-taping ng serye pero naiibsan ito dahil sa pag-aalaga sa kanila ng show at ng Kapuso Network.

“But seriously I really want to thank GMA especially the staff of Babawiin Ko Ang Lahat. Dahil medyo napakakomportable namin at sa amin po napakalaking bagay ng comfort dahil araw-araw kami nagta-trabaho. Sobrang draining, sobrang nakakapagod, so thank you GMA for this,” aniya.

Makakasama ni John sa Babawiin Ko Ang Lahat sina Carmina Villarroel, Tanya Garcia, Dave Bornea, Manolo Pedrosa, Liezel Lopez, Kristoffer Martin, at ang lead actress na si Pauline Mendoza.

FANS NI ALDEN, GOIN’ CRAZY SA KANYANG UPCOMING SINGLE

Usap-usapan na naman ngayon sa social media ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil opisyal nang nagsimula ang pre-order para sa kaniyang newest single na ‘Goin’ Crazy’ under GMA Music at FlipMusic Productions.

Kabilang sa top trending topics sa Twitter ang hashtag na #AldenxGoinCrazyPreOrder nitong December 1, kung saan ibinahagi ng fans ng Kapuso star ang kanilang excitement at agad na pag-pre-order sa iTunes ng kanta.

Samantala, isang special debut performance ng ‘Goin’ Crazy’ ang inihanda ni Alden para sa mga manonood ng kaniyang 10th year anniversary concert na Alden’s Reality sa December 8. Almost sold out na ang tickets kaya huwag magpahuli at bumisita na sa www.gmanetwork.com/synergy!

3 thoughts on “JOHN ESTRADA, IPINAKITA  ANG KALAGAYAN SA LOCK IN TAPING”

  1. 543936 362171I like the valuable info you offer inside your articles. Ill bookmark your weblog and check again here often. Im quite certain Ill learn a lot of new stuff appropriate here! Greatest of luck for the next! 153495

Leave a Reply

Your email address will not be published.