LAHAT ng magulang ay hangad ang magandang buhay para sa kanilang anak. Tulad ni John Estrada na kahit hiwalay na kay Janice de Belen ay naroon pa rin ang care sa mga naging anak nila ng actress.
Kaya nang makarating kay John na boyfriend na ni Jake Vargas ang kanyang anak kay Janice na si Inah ay simpleng pakiusap lang niya sa boyfriend ng anak na mahalin at huwag itong sasaktan.
Si Inah ay isa sa tatlong naging anak ni John sa dating asawang si Janice at hindi naman kaila sa showbiz industry na ang bagong asawa ni John ay si Priscilla Meirelles kung saan mayroon silang anak na si Anechka, 8 years old na ngayon.
Tungkol sa paglipat niya sa GMA 7, matapos ang mahigit dalawang dekada niya bilang Kapamilya ay naging totoo lang si John na amining mas malaki raw ang kanyang talent fee na ini-offer sa kanya ng Kapuso Network.
Ngayon ay isinama si John sa bagong fantaserye ni Alden Richards bilang isa sa kontrabida.
Ang huling seryeng nagawa ni John sa ABS-CBN ay ang The Good Son kung saan nga napabalitang nagkaroon sila ng misunderstanding ni Mylene Dizon.
Nakasama rin siya sa pelikula nina Joshua Garcia at Julia Barretto kasama si Kris Aquino.
Kaya marami ang nagulat nang lumipat ito sa GMA 7 matapos ang matagal na pagiging Kapamilya.
JANINE GUTIERREZ ‘DI TINABLAN NG PAMBA-BASH NG ALDUB NATION
ISA si Janine Gutierrez sa mga actress ngayon na hindi pumapatol sa mga basher o kahit na anong paninira. Hindi nga umubra kahit ang pambu-buwisit sa kanya ng AlDub na dinedma lang niya.
Ayon sa lola ni Janine na si Pilita Corrales na nanay ng kanyang ama na si Ramon Christopher, napakabait na bata raw si Janine at may pinag-aralan ang dalaga ni Lotlot de Leon. Nagtapos ng kursong International Studies sa Ateneo de Manila University.
Kung gugustuhin nga ni Janine ay madali itong makapasok sa corporate world pero nagkataon na mas nakahiligan ng anak nina Monching at Lotlot ang showbiz world matapos magtapos ng pag-aaral.
Samantala, ang ikinaiinis at ikinagagalit raw ng AlDub fans ay siya ang ginawang ka-partner ni Alden sa Victor Magtanggol imbes ang kanilang idol na si Maine Mendoza.
Hindi yata alam ng mga tagahanga nina Alden at Maine na ang may say sa magiging ka-partner ng sinuman lead character sa isang serye or maging sa pelikula ay ang production outfit at TV network.
Dapat na siguro tumigil ang mga ito na diktahan kung sino at hindi dapat makasama ng kanilang iniidolo.
Comments are closed.