JOHN ESTRADA TAHIMIK PERO MAPANGANIB

KUNG matatandaan, may nakaalitang isang manunulat si John Estrada at naging daan diumano ito ngwallface ‘paglayas’ ni John sa bakuran ng ABS-CBN.

Sa presscon ng first ever project ni John sa GMA7 na “Victor Magtanggol” kung saan siya ang pinaka-main kontrabida sa buhay ng bidang si Alden Richards, naungkat kay John ang isyu sa pagitan niya at ng manunulat. Natanong sa actor kung everything is okey na sa pagitan nilang dalawa.

Sa buong pagkagulat ng mga entertainment press na naroroon ay hindi raw ganun kadali na matatapos ang hinanakit ni John sa naturang reporter. Sobrang nasaktan daw si John, hindi dahil sa mga intriga sa kanila ni Mylene Dizon kundi pati na raw ang pananahimik ng relasyon ng asawang si Priscilla Meirelles ay dinamay raw.

Sinabi rin ni John na walang kaugnayan ang kontrobersiyang iyon para ‘mag-ober da bakod’ siya. Ani pa rin ng magaling na actor, magalang daw siyang nagpaalam at binigay naman daw ng dating mother network ang blessings sa kanya. Natapos naman daw niya lahat ng kanyang commitments sa Kapamilya Network.

Sa katunayan pa nga raw ay may counter offer pa sa kanya ang ABS-CBN pero nakatango na raw pala itong si John sa Kapuso Network.

Diin pa ni John, tuloy ang kanyang demanda sa manunulat. Sa loob daw ng halos 30 taon niyang pinaghirapan kung asan man siya ngayon sa showbiz world ay sisirain na lang daw ng isang tao na hindi naman daw siya lubusang kilala. At kung may reconciliation sa kanilang dalawa, mariing sinabi ni John, na nasabi na niya noon na isang public apo­logy at isang pagsusulat na binabawi niya ang lahat ng mga ‘masasamang’ balita na isinulat tungkol kay John, ay posibleng maging daan ng actor para mapatawad ang naturang manunulat. Sa ngayon, see you in court na muna ang drama ni John para sa showbiz writer.

JANINE GUTIERREZ SINASAMPOLAN NA NG BASHERS

JANINE GUTIERREZHINDI pa man nae-ere ang pinakaaabangang bagong Primetime series ng Kapuso Network na “Victor Magtanggol” ni Alden Richards, nagsimula nang ulanin ng mga negatibong puna ang isa sa leading ladies ni Alden na si Janine Gutierrez sa naturang teleserye.

Sa isang social media account ng young actress ay may isang basher kung saan ay dinamay na nito pati ang hiwalayan ng mga magulang ni Janine na sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.

Sa naturang komento, sinabi nito na may ‘malas’ daw na kaakibat ang kanyang balat kung kaya lahat daw ng malapit sa kanya ay naghihiwalay. Isang nagpakilalang Alden Richards fan ang nag-bash kay Janine. Imbes na mapikon at bara-barahin ang basher sa below the belt na banat nito sa Kapuso young actress ay game na game itong sinagot ni Janine sa pagsasabing kawawa naman daw ang balat niya.

Sabagay, nang tanggapin ni Janine ang offer na maging parte ng te­leserye ni Alden ay hinanda na niya ang sarili sa bashers na matatanggap niya. Hanggang kailan kaya iba-bash si Janine, hanggang sa mapalabas na “Victor Magtanggol”.

Comments are closed.