JOHN LLOYD CRUZ, BEA ALONZO MAGKAIBA NG PARTNERS SA GMA-7

NATULOY na ang meeting ni John Lloyd Cruz sa Creative Group ng GMA Entertainment executives at ilang writers para pag-usapan ang susunod gagawin ni Lloydie dahil maganda ang feedback at consistent na toprater ang sitcom niyang Happy ToGetHer.

Drama series daw ito pero hindi pa sure kung sino ang makaka-partner niya. Ang sure lang, hindi si Bea Alonzo dahil magsisimula na ang project nila ni Alden Richards na adapted sa isang sikat na Korean drama. Balik-taping na rin ang mga drama series ng GMA-7, kasama na ang Lolong ni Ruru Madrid, at ang Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Pero hindi pa makabalik ang Voltes V Legacy dahil may bata silang kasama rito, si Raphael Landicho na gumaganap bilang si Little John.

Alin kayang tele­serye ang mas magre-rate, yung kay Bea o iyong kay John Lloyd? – KNMartin