JOHN LLOYD CRUZ ENJOY SA BORACAY TAPING NG SUMMER SPECIALS

Sobrang enjoy si John Lloyd Cruz sa taping ng summer episodes nila sa Boracay. Kasi naman, kumpleto ang buong cast liban pa sa tumataas ang rating ng Happy ToGetHer.

Magastos ang mag-out of town taping pero sulit naman. Kahit ang mga special guest nilang sina Julie Anne San Jose, Max Collins, at Coleen Paz ay nag-enjoy din.

Dapat sana ay si Bea Alonzo ang makakasama niya sa sitcom na ito pero may commitment pa si Bea sa Start Up Ph kasama si Alden Richards.

May isa pa sanang project si John Lloyd, ang Quiboloy movie, pero hindi na raw niya ito ina­asahan. Inialok daw ito sa kanya at binibigyan na siya ng downpayment, pero gusto raw muna niyang basahin ang script bago niya pagdesisyunan kung tatanggapin niya o hindi. Pero tuloy ang project nila ni Jasmine Curtis-Smith.

KIM CHIU NAKIPAGKITA SA MGA KAPATID

Sorang tuwa ni Kim Chiu na nagkasama-sama uli silang magkakapatid after 9 years sa kanyang 32nd birthday. Feeling daw niya, nakumpleto siya, dahil ito ang unang pagkakataong nagkasama silang lahat matapos mamatay ang kanilang ina.

Dati na raw silang masayang pamilya kahit hindi sila mayaman. Noong bata raw sila, wala silang matirhan, walang pang-tuition, walang pagkain, at nag-aagawan pa sa ulam, sa damit, sa school things at sa marami pang bagay. Nag-aasaran din umano sila and it feels amazing. Nami-miss daw nilang magkakapatid ang mga nagdaan.

Nagbago ag kanilang mga buhay nang sumali si Kim sa first teen edition ng “Pinoy Big Brother” at naging Big Winner noong 2006. Dito na nagsimula ang makulay niyang showbiz career.

VERBAL ABUSE NI LOLIT SOLIS KAY BEA ALONZO NAKATULONG SA IBA

Akalain mo bang makatulong sa mag-asawang muntik nang maghiwalay ang mga pinakakawalan ni Manay Lolit Solis na masasakit na salita kay Bea Alonzo?

Isang misis daw ang nagpasalamat sa kanya sa isang membership shopping place dahil na-save ang kanilang marriage.

“Nasubaybayan daw niya ang pagbe-verbal abuse ko raw kay Bea Alonzo,” kwento ni Manay Lolit. “Kahit ano pa raw ang sabihin ko kay Bea, dedma lang. E, siya rin daw, biktima ng verbal abuse ng asawa niya kaya naka-relate siya kay Bea. Natitiis daw ni Bea ang pagbe-verbal abuse ko raw kahit hindi kami magkaanu-ano. E, siya, gusto na raw sana niyang hiwalayan ang mister niya at idemanda. Pero dahil sa IG posts ko, hindi na raw siya makikipaghiwalay. Lalaban na lang daw siya sa pagbe-verbal abuse ng asawa niya!” bulalas pa ni Manay Lolit, na magdiriwang ng ika-75 kaarawan sa Mayo 20.

Sa tuwa raw ni Manay Lolit sa nasabing ginang, muntik na niya itong bigyan  ng gift cheque ng nasabing membership shopping.

KRISTA RANILLO PINA-BOTOX SI LOLA GLORIA SEVILLA BAGO NAMATAY

Would you believe na bago pala namatay ang Queen of Visayan Mo­vies na si Gloria Sevilla ay ipina-botox pa ito ng apo niyang si Krista Ranillo-Lim? Si Krista ang panganay na apo ni Gloria sa panganay na anak nito, ang aktor na si Mat Ranillo III.

Ani Krista, sampung araw bago namatay ang kanyang lola ay ang saya-saya niya. “She spent many hours playing the slot machine. I even brought her to the spa to have facial, IV infusion, and even botox. I even joked, ‘Pastilan naman, Grandma, baka maligawan ka na naman niyan.’ And she said, ‘Ay, ewan!’”

MELANIE MARQUEZ NA-MISS ANG PAGRAMPA NI MICHELLE DEE SA MISS U PH 2022

Supportive si Melanie Marquez sa kanyang mga anak sa kanyang mga desisyon lalo na sa pagsali sa Miss Universe Philippines 2022, pero hindi niya nasaksihan ang pagrampa ni Michelle Dee dahil hindi siya pinapasok sa Mall of Asia Arena. Nakalimutan niya kasing dalhin ang kanyang vaccination card.

Hindi nanalo si Michelle, pero naiuwi naman niya ang Best in Gown competition at siya rin ang tinanghal na Miss Universe Philippines Tourism 2022. Sayang, hindi ‘yon nakita ni Melanie.

Bukod sa hindi nadala ang kanyang vaccination card, nawala rin ang mga alahas niya nang umuwi siya sa bahay niya sa Makati City. Ire­report daw niya ito sa pulis sa lalong madaling panahon.

TOPLESS SCENE PINAGHANDAAN NI BUBOY VILLAR

Pinaghandaan talaga ng husto ni Buboy Villar ang topless scenes niya sa Kapuso primetime romance-drama-comedy series na False Positive. Bida sa nasabing romantic dramedy sina Glaiza de Castro at Xian Lim.

Si Malakas ang role ni Buboy dito, at puring-puri ni Buboy si Xian dahil napakagaan umano nitong katrabaho at professional ang leading man ni Glaiza. Pero pagmamalaki ni Buboy, dahil sa mga topless scene ay naghanda siya para sa karakter na Malakas.

“Feeling ko lang, parang fit sa akin ang role. Feeling ko, nung sinabi nila sa akin, ‘Huwag mo nang basahin yung script, as in ikaw lang, ganoon,” ani Buboy.

Nagpataba umano siya dahil kailangan sa role. Bilang isang komed­yante, gusto raw niyang patunayang kaya rin niyang mag-flex ng abs.