JOHN LLOYD CRUZ KAPUSO NA SA WAKAS

faceup

SI John Lloyd Cruz ang bagong mi­yembro ng Kapuso Family. June nang ma­ging panauhin ang aktor sa Wowowin ni Willie Revillame, at inakala ng lahat na gagawa ng teleserye o sitcom ang aktor. Right timing sana, kung napaaga ang pag-entra ng aktor at pwedeng magkasama sila ni Bea Alonzo sa isang TV project, pero limang buwan ang lumipas, wala pa rin. Marahil, pinag-aaralang mabuti ng ta­lent management company ni Maja Salvador kung anong project ang bagay sa kanya.

Ngayong Nobyembre 9, sa wakas, pipirma na siya ng kontrata sa GMA7. Balita namin, sitcom muna ang gagawin ni Lloydie at ang production group ay galing sa ABS-CBN na pamamahalaan ni direk Bobot Mortiz

Teka, maihabol pa kaya si Lloydie sa Christmas station ID ng Kapuso?

Si Bea sure na. Sa Sunday nga pala, Nob­yembre 14, ay espesyal na panauhin si JLC sa All-Out Sundays. Si­yempre, umaasa ang mga fans nina Bea at Lloydie na magkakasama ang dalawa sa isang teleserye.

oOo

KONTRABIDA NI NORA AUNOR DI KASALI SA FILM FEST

Nalungkot ang mga tagahanga ni Nora Aunor nang mabalitaang hindi isinali ang pelikulang Kontrabida sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino. Nuong isang taon, may lahok ang superstar na “Isa Pang Bahaghari” na napanood via live streaming dahil sa pan­demya.

Si Nora ang may pinakamaraming best actress awards at best performer award para sa pelikulang Atsay. Tatlong beses din siyang nagkaroon ng dalawang entries sa film fest.

E bakit ngayon, kung kelan alert level 2 na lang sa NCR at pwedeng magbukas ang mga sinehan sa 50% audience capacity, baki wala siyang entry?

Siguro, may kinalaman ang pagiging first nominee ni Ate Guy sa NORAA Partylist.

May ruling kasi ang Comelec na bawal lumabas sa movies at TV ang mga kandidato na hindi pa panahon ng pa­ngangampanya. Kahit ang kanyang film produ­cer na si Joed Serrano ay lumahok din sa politika.

Gayunman, isasali ang “Kontrabida sa iba’t ibang international filmfest at sa 2022, kapag balik na sa normal ang sitwasyon, mapapanood din natin ang obra ni direk Adolf Alix, Jr.

oOo

ELLEN AT DEREK TULOY ANG KASAL

Sa Huwebes, Nob­yembre 11, tuloy na ang kasal Ellen Adarna at Derek Ramsay sa isang resort sa Bataan.

Simpleng kasalan lang ito na dadaluhan ng pamilya ng dalawa, mga piling kaibigan na abay sa kasal at tatlong pares na ninong at ninang.

Ang apat na sponsors sa wedding ay sina Ex-Gov Luis ‘Chavit Singson, Dra. Vicki Belo, Atty. Joji Alonzo at Dr. Steve Mark Gan. Si­yempre, ring bear si Elias Modesto Cruz, ang love child nina Ellen at John Lloyd Cruz. Sana’y ma­ging masaya at tumagal ang kanilang pagsasama at mabiyayaan agad ng supling.

Kahit whirlwind romance ang relasyon nina Ellen at Derek, umaasa kaming long lasting ang kanilang pagsasama.

Teka, imbitado ba si Lloydie sa kasal?