JOHN LLOYD CRUZ SUMALI SA FUND-RAISING EVENT PARA MAKABILI NG TEST KITS

KAHIT hindi abala sa showbiz, kapag may paraan din lang para makatulong sa ating mga kababayan, bukas-palad at hindi nagdadamot ang The pointmagaling at award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Sa fund-raising event ng grupo ng Furball  nina Rodolfo Sabayton, Ramon Bautista, at iba pa, isa ang aktor sa mga naglaan ng kanyang panahon.

Kasali ito sa teIethon na ‘Mamatay Kang Hayop Na Covid’ kung saan ang malilikom na halaga ay ipambibili ng testing kits.

Sa tsikahan nila sa actor, ibinahagi nito na  ang pagkukumpuni ng bahay niya sa Cebu ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

Naikuwento rin niya na noong panahong nagpahinga siya sa showbiz ay naging homebody siya at madalas mamalengke.

Bagamat hindi  nawala sa katawan niya ang sining, naroon pa rin daw ang pagnanais niyang matuto ng maraming bagay.

“Sa ngayon ang ipinipinta ko ay mga pangarap ko pa lang,” aniya. “Wala namang pinagkakaabalahan, konting basa-basa, pero naka-establish na rin tayo ng sariling routine dito sa Cebu. Kasi bago pa naglaganap ang COVID, Pebrero pa lang, nandito na ako sa Cebu. Alaga-alaga ng bata, gawaing bahay,” kuwento niya.

Hirit pa ni  Lloydie, enjoy raw siya sa Cebu na isang progresibong lugar.

“Napakalapit ng nature, konting biyahe lang, nasa dagat o nasa bundok ka na. May pinupuntahan ako na pabundok, napakagandang lugar,” sey niya.

Marunong na rin si Lloydie na magsalita ng Bisaya.

Pinasalamatan din ni John Lloyd ang mga frontliner sa kanilang tulong sa mga pasyente ng COVID.

“Maraming salamat sa inyong lahat na frontliners, mabuhay kayo. Kulang itong efforts naming para pasalamatan ang mga frontliner sa inyong serbisyo.”

Sa ngayon, malinis na ang hitsura ni John Lloyd dahil inahit na niya ang makapal na balbas at bigote.

Tulad ng iba, marami rin daw siyang natutunan sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

“Siguro, maari tayong magsimula sa mental or psychological preparation. Siguro ako, personal ko lang naman ito, hindi para sa pangkalahatan, noong nagsimula, parang tingin ko magtatagal talaga. So nakatulong din sa akin `yong pag-accept sa sitwasyon na ito na `yung normal sa ngayon, hanggang sa magbago.

“Pero siguro doon ako nagsisimula, na parang isipin na lang na ito ang normal, na huwag na lang isipin kung kailan matatapos. Para bang take it one day at a time, day by day ang ating approach. At saka kalma lang tayo,” ani John Lloyd. “Saka dapat alam mo kung ano, hindi puwedeng mag-alala ka sa isang bagay na hindi mo naman alam. Dapat unawain natin kung ano ba ang totoo. Sana maunawaan natin kung ano ang kalaban dito, para alam natin maprotektahan ang ating mga sarili at pamilya,” pahabol niya.

Nagbasa nga pala ng tula si John Lloyd para sa mga manonood nila.

Balik-pelikula si John Lloyd sa Servando Magdamag, ang ikatlong kolaborasyon niya with Lav Diaz pagkatapos ng Hele sa Hiwagang Hapis at Ang Babaeng Humayo.

One thought on “JOHN LLOYD CRUZ SUMALI SA FUND-RAISING EVENT PARA MAKABILI NG TEST KITS”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *