MATINDI ang closeness ng mag-inang Ruby at John Regala kahit na noong nasa Pinas pa ang aktres at hindi pa nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa. Through thick and thin, magkasama talaga ang dalawa.
Kaya ang kamatayan ni Ruby lately dahil sa pagkapatid ng ugat sa kanyang utak ay higit na dinamdam ni John.
Sinabi ng dating sex symbol of the late 60s na si Divina Valencia na may nakita raw bukol sa utak ni Ruby kaya kailangang operahan ito. Ang kaso, hindi pa nagagawa ang pagbiyak sa litid ng kanyang ulo, sumakabilang-buhay na ang beteranang aktres.
Nalungkot nang husto si Divina dahil sila ang madalas magkasama sa abroad ni Ruby kaya nakikisimpatya siya sa anak nitong si John.
“My condolences to you, John!” the veteran actress intoned.
May mga kuwento pa ngang nalulong daw siya sa droga purportedly for some personal reasons. Hindi na raw iuuwi sa Pinas ang bangkay ni Regala, na Susan Gregorio in real life, at may viewing session na lang sa kanyang mga labi sa kahuli-hulihang sandali.
Muli, ang aming pakikiramay sa pamilya ni Ruby.
VICKY BELO AT SCARLET SNOW PERA ANG DONASYON SA MGA BIKTIMA NG TAAL
DAHIL sa umaapaw ang andalu ng mag-inang Vicki Belo at Scarlet Snow Belo, datung ang kanilang idinoneyt para sa relief operations para sa mga matinding naapektuhan nang pagsabog ng bulkan sa lawa: kalahating milyong piso, according to the website Bilyonaryo.
Sa Philippine Red Cross (PRC) nila ipinagkatiwala ang kanilang donasyon. Ang PRC chief executive officer na si Sen. Richard Gordon ang nag-announce ng napakalaking donasyon ng mag-ina.
Pahayag ng senator-philanthropist:
“Dra. Vicki Belo has always been so generous and supportive to the Red Cross. Was so happy to spend time with her and her wonderful daughter Scarlet Snow. We hope Scarlet grows to have the humanitarian heart of her mother.” Gordon said in a statement.
Ayon naman sa website, ganito ang pahayag naman ng misis ni Hayden Kho: “The reason that I feel confident giving money to the Red Cross is because I know that the money will definitely go where it’s supposed to go. You’ve been doing such a great job. PRC is the best place to give your donations because they already have logistics and the people.”
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.