IPINARE-RECALL ng Johnson & Johnson ang 33,000 bottles ng kanilang baby powder na naibenta sa US makaraang matuklasan na nahaluan ito ng asbestos.
Ang asbestos sa mga naibentang baby powder ng J&J ay natuklasan sa ginawang product test ng Food and Drugs Administration (FDA).
Sinabi ng FDA na ang asbestos ay isang uri ng carcinogen na puwedeng magresulta ng kamatayan sa sinumang gagamit nito sa pamamagitan ng mesothelioma.
Kaugnay nito ay mabilis din na bumagsak ang value ng J&J shares sa merkado ng anim(6) na porsiyento.
Ang 130-year old na kompanya ay nahaharap sa iba’t ibang mga kaso mula sa kanilang mga consumers dahil sa sinasabing “impurities” sa kanilang mga produkto.
Sa kanilang pahayag ay sinabi ng J&J na kanilang aalamin ang nasabing ulat ng FDA na kanilang tinawag na “extremely unusual”.
Habang isinasagawa ng imbetigasyon ay nagpasya na ang nasabing kompanya na magsagawa ng voluntary recall sa lahat ng baby powder na kanilang ginawa noong taong 2018.
Sinabi naman ng FDA na karaniwang nakukuha ang asbestos sa mga building materials at industrial applications.
Comments are closed.