Joint Delivery Voucher Program para sa TVL Specialization

Kaye Nebre Martin

Nag-isyu ang Department of Education (DepEd) ng Guidelines on the Implementation of the Joint Delivery Voucher Program (JDVP) para sa Senior High School Technical-Vocational-Livelihood (SHS-TVL) Specialization sa School Year 2022-2023 at sa mga susunod pang taon upang maiayos ang kapasidad ng mga iskwelahan na magpatupad ng programa.

Sa DepEd Order (DO) No. 006, series of 2023, mabibigyang lakas ang mga iskwelahang pampubliko na nag-o-offer ng SHS-TVL track sa pamamagitan ng partnerships sa mga institusyong may kaalaman at mga kasangkapang kailangan upang maipatupad ang ma programa.

Ang JDVP-TVL ay tuition fee assistance sa mga mag-aaral ng Grade 12 sa DepEd public SHS, na kinilalang kulang sa pasilidad, equipment, kagamitan, at guro na may kaalaman sa pagpapatupad ng TVL specializations.

Ang nasabing issuance ay makatutulong sa mga mag-aaral na tapusin ang kanilang TVL specialization subjects sa tulong ng mga partners, makapagbigay ng tamang learning environment na required sa specialization, at ayusin ang pagkabalam sa probisyon ng mga kinakailangang resources para sa TVL Specializations.

Para din ang JDVP-TVL Guidelines sa mga estudyante ng Grade 12 na enrolled sa DepEd public SHSs sa ilalim ng TVL track na papayagang kunin ang kanilang specialization subjects sa mga eligible na private o non-DepEd public SHSs at private TVIs.

Ang assistance ay ang JDVP-TVL voucher na ibiibigay sa mga learner-beneficiaries nan aka-enroll sa TVL Track na kinilala ng DepEd public SHSs.

Ang mga identified DepEd public SHSs ay dapat na nag-o-offer ng SHS-TVL sa nagdaang apat o limang taon at determinadong mabigyan ang kanilang mga estudyante ng sapat na pasilidad, equipment, tools, at mahuhusay na guro, at malapit lamang sa mga lugar na may mga accessible private SHSs, non-DepEd public SHSs, o private TVIs, na makapagbibigay ng maayos na instructions at training sa mga mag-aaral. KNM