CENTRAL LUZON-WALANG spillover o banta sa Indo-Pacific ang nagaganap na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine kaya nasa Pilipinas ngayon ang ‘Panthers” o 13th Fighter Squadron ng US Air Force na binubuo ng F-16s fighter plane.
Nilinaw ni Philippine Airforce spokesman Col Maynard Mariano, nasa bansa ngayon ang mga F-16 supersonic jet fighter ng Amerika bilang paghahanda sa gaganaping Bilateral Air Contingent Exchange – Philippines (BACE-P) na magsisimula ngayong araw.
Ang mga F-16s 13th Fighter Squadron ng US Air Force ay sasabak sa joint exercise kasama ang 7th Fighter Squadron o BULLDOGS ng Philippine Air Force at 105th Fighter Training Squadron o BLACKJACKS.
Nabatid na mananatili sa bansa ang mga pamosong jet fighter ng US na may bilis na Mach 2 o twice the speed of sound sa loob ng 12 araw lamang habang ginaganap ang 10th iteration ng Bilateral Air Contingent Exchange-Philippines sa Basa Air Base, Floridablanca, Pampanga; Clark Air Base, Mabalacat City, Pampanga; Colonel Ernesto Ravina Air Base, Capas, Tarlac; at Wallace Air Station sa San Fernando La Union.
Nakapokus ang joint exercise sa Air-to-Air Engagement, Base Defense; Air Traffic Navigations and Integration Coordination; Air Battle Management, Air Defense Command and Control Operations; Radar and Radio Operations; and Surface to Air Missile Operation and Deployment Planning na sasalihan ng 12 U.S Air Force (USAF) F-16 aircraft.
Una rito ay nagsagawa ng Air Combat Exercise ang Philippine Air Force (PAF) 5th Fighter Wing na tinawag na “Sanay Sibat 2022-1.”
Ayon kay Mariano, ang nasabing exercise ay tinaguriang intensive air-to-air and air-to-ground activities kung saan binibigyang-diin nito ang misyon ng 5th Fighter wing.
Layon ng Sanay Sibat 2022-1 ay ihanda ang mga Air Force Pilot sa pag-operate ang bagong Multirole Fighter Aircraft lalo na ang pinakabagong T-129 Atak helicopter na galing sa bansang Turkey na dumating kamakailan.
Pahayag pa ni Mariano, layunin din ng PAF na i-evaluate ang kanilang doktrina, tactics at ang tactical readiness in terms sa kanilang capabilities.
Taon-taon nagsasagawa ng training ang PAF 5th Fighter Wing at ngayong taon nakatutok ito sa defensive at offensive counter air techniques, pag-execute sa kanilang best tactics at coordination.
Inihayag ni Mariano na ang isa sa critical component ng nasabing exercise ay ang skills ng Air Weapon Controllers na siyang eyes and ears ng Air Defense mula sa 580th Aircraft Controller hanggang sa Warning wing upang maging maayos at suwabe ang performance ng mga fighter pilot.
Ayon naman sa isang senior pilot, ang Sanay Sibat exercise ay nagpapakita lamang sa professional competence at ang magandang performance ng mga piloto.
Pakay pa ng nasabing pagsasanay ang magkaroon ng confidence, integrate leadership at warfighter culture na maaring makapag operate sa himpapawid at sa kalupaan. VERLIN RUIZ