PABOR si Senador Sherwin Gatchalian sa joint exploration sa West Philippine Sea na hindi lamang sa bansang China kundi sa lahat ng interesado sa lugar na pag-aari ng Filipinas.
Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy na makabubuti kung magsasagawa ng joint exploration ang Filipinas sa WPS dahil sa taong 2024 mawawala na ang supply ng natural gas sa Malampaya.
Aminado ang senador na walang kakayahan ang Filipinas na magsagawa ng exploration sa WPS dahil sa bukod na walang kagamitan ay may problema pa sa itinayong imprastraktura ng China sa lugar.
Iginiit ni Gatchalian, dapat 60-40 ang magiging hatian sa joint exploration dahil ang WPS ay pag-aari ng Filipinas.
Kaugnay nito, sinabi rin ng senador na dapat na ipursige ng gobyerno ang pag-aari sa WPS para makahanap ng bagong pagkukunan ng natural gas dahil sa taong 2024 ay mauubos na ang supply ng Malampaya gas. VICKY CERVALES
Comments are closed.