ANG joint exploration sa West Philippine Sea ang sagot sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Ito ang pahayag ng Malacañang kasabay ng pag-amin na hindi nila kontrolado ang presyohan ng langis sa merkado na pumalo sa P60 kada litro ang petrolyo sa mga gasolinahan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kailangang ipursige ang joint exploration at dapat isantabi na ang anumang hidwaan ng anumang bansa.
Sinabi nito na wala talagang magagawa ang Malacañang para pigilan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa merkado dahil hindi naman maaaring basta na lamang suspendihin ang excise tax sa petrolyo.
Sa probisyon ng TRAIN law ay kailangang manatili sa $80 per barrel ang average price ng langis sa world market sa loob ng tatlong buwan bago suspendihin ng pamahalaan ang excise tax na sinisingil sa petrolyo na pumapasok sa Filipinas.
Comments are closed.