JOINT MARITIME EXERCISE IKINAKASA NA RIN

12th ASEAN Defense Ministers’ meeting

BAGAMAN hindi pa nasisimulan ang Asean-China AMEX 2018 na gaganapin sa China ay nakatakda na rin ang ASEAN-United States Joint Maritime Exercise sa susunod na taon.

Sa ginanap na 12th ASEAN Defense Mi­nisters’ meeting at 5th ADMM-Plus ay nagkaroon ng informal meeting sina United States (US) Secretary of Defense James Mattis at    Singapore’s Minister for Defence Dr. Ng Eng Hen.

Sa nasabing pulong, tinanggap ng mga ASEAN Defence Ministers ang inilatag na “strong and sustained engagement of ASEAN in  the region” ng US at pagkilala rin sa kahalagahan ng US-China relationship na may implikas­yon kaugnay sa regional peace and stability.

Ayon kay Secretary Mattis, “For more than 40 years now, ASEAN and US’ engagements have been a binding force to defend these values and we are committed to continuing this in the future.”

Muli rin tinalakay ni Mattis ang pagi­ging sentro ng ASEAN at ang pagkakaisa nito sa US’ defence engagement ng ASEAN, kasabay ng paglalatag ng limang panukala o  five focus areas for ASEAN-US defence cooperation, na kinabibilangan ng  high-level dialogues and exchanges; maritime security and law enforcement; countering terrorism and violent extremism; humanitarian assistance and disaster relief; at  capacity building sa larangan ng international law, peacekeeping operations, chemical, biological, and radiological threats, at  cyber security.

Nagkaisa naman ang mga  ASEAN at  US Defence Ministers ang naging kasunduan sa 12th ADMM’s agreement na magsagawa ng  ASEAN-US Maritime Exercise sa taong  2019, kasabay ng US’ Exercise Southeast Asia Cooperation and Training (SEACAT).

Magkaisa ng pananaw sina Dr. Ng at  Secretary Mattis na ang nasabing joint maritime exercise ay magiging  kapaki-pakinabang sa bawat bansa sa aspekto ng confidence-building measure na magbubuo ng kapasidad at mas malawak na kooperas­yon sa pagitan ng  regional navies.       VERLIN RUIZ

Comments are closed.