Winakasan na ng Philippine Air Force at Philippine Army ang limang araw na joint military exercises – PAF-PA Interoperability Exercise (IOX) 03-24.
Umabot sa isang libong mga sundalo mula sa dalawang sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakibahagi sa naturang training.
Kabilang sa pinagdaanan ng mga ito ay mga complex training scenario, Command Post Exercises (CPX), Subject Matter Expert Exchanges (SMEE), and Field Training Exercises (FTX), at iba pang military training na dinisenyo para mapagbuti pa ang joint combat and tactical operations sa pagitan ng dalawa.
Ang limang araw na pagsasanay ay isinagawa sa Camp Melchor F. Dela Cruz sa bayan ng Gamu probinsya ng Isabela.
Ang naturang kampo ay ang headquarters ng 5th Infantry Division at isa sa mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site.
Mismong si Maj General Gulliver Señires PA, Commander ng 5th Infantry Division, ang nanguna sa closing ceremony bilang Guest of Honor. Sa kanyang mensahe pinapurihan ni, MGEN Señires ang mga sundalo sa kanilang ipinakitang dedikasyon at propesyonalismo sa buong pagsasanay.
Ayon sa heneral, ang mga natutunan at ugnayang nabuo sa panahon ng IOX 03-24 ay magsisilbing pundasyon sa mga susunod pang joint operation sa hinaharap.
VERLIN RUIZ