(Joint operation ng iba’t ibang ahensiya) 573 MOTORISTA NASITA NG PNP HPG, 1 TRUCK DRIVER KULONG SA DROGA

checkpoints

CAMP CRAME – AABOT sa 573 motorista na kinabibilangan ng 264 motor riders at 309 dri­vers ang nasita ng Philippine National Police –Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa ikinasang One Time Big Time Ope­rations katuwang ang Land Transportation Office, Department of Public Works and Highways, Metropolitan Manila Development Autho­rity, Philippine Drug Enforcement Agency, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at National Capital Regional Police Office.

Sa press briefing kahapon na pina­ngunahan ni PNP Spokesman, BGen. Bernard Banac, ang 264 motor riders ay pinara dahil sa road safety violation kung saan 169 ang nakapasa habang 95 ay nabigo.

Partikular na lumabag ang mga ito kasama ang 309 dri­vers sa Republic Act 8794 o Motor Vehicle Users’ Charge Law partikular ang  paglabag sa Anti-Overloading.

Ang mga pagkakamali ng mga nasita ay walang dalang lisensiya, overloading, no helmet, hindi rehistradong sasak­yan, defective lights at nakasuot ng tsinelas.

Isang truck driver naman ang inaresto makaraang mapatunayang gumamit ng droga habang nagmamaneho. EUNICE C.

Comments are closed.