LAGUNA- PORMAL na inilunsad ng Police Regional Office o PRO4A-CALABARZON ang Joint Search and Rescue Team Challenge 2024.
Ang layunin ng naturang aktibidad ay upang higit pang pagbutihin ang kakayahan ng pulisya sa emergency response sa rehiyon.
Ang nasabing makabagong kompetisyon ay nagsimula nitong Lunes na nagtatapos kahapon na may 66 na kalahok mula sa iba’t-ibang lalawigan kabilang ang mga tauhan mula sa Regional Mobile Force Battalion.
Isinagawa ng mga participant ang isang makatotohanang sitwasyon kapag may kalamidad kabilang ang Physical Fitness Challenge, Knot-Tying and Practical Application, First Aid and Situation Handling, Rubber Boat Operation at Water Rescue Exercises.
Ito ay dinaluhan ni Atty. Owen G. De Luna, Regional Director ng NAPOLCOM 4A na nagbigay ng kanyang mensahe at pasasalamat sa lahat ng kalahok.
RUBEN FUENTES