JOJO NONES, DODE CRUZ HINDI RAW GUILTY

Nagsumite ng counter-affidavit sina Jojo Nones at Dode Cruz sa sexual-abuse complaint na isinampa laban sa kanila ng anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach.

Hindi nagkita sina Niño at Atty. Maggie Garduquena pagdinig na ipinatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Biyernes, August 9, dahil umaga dumating ang mga Muhlach at hapon naman si Garduque. Si Garduque ang abugado ng mga akusadong sina Nones at Cruz na inirereklamo ng sexual abuse.

Sa isang interview, sinabi ni Niño na nag-apologize ang dalawang GMA 7 independent con­tractors sa kanila bago humarap sa Senado, at pinatawad na niya ang mga ito, ngunit dapat pa rin umano nilang pagbayaran ang kanilang ginawa.

Ngunit ayon kay Garduque, wala itong katotohanan. Tinawag pa niyang sinungaling si Niño dahil hindi raw hihingi ng paumanhin ang kanyang mga kliyente.

Nagsumite na umano sila ng counter affidavit batay sa natanggap nilang subpoena.

Hindi umano nila pwedeng i-discuss ang content nito dahil bawal, ngunit wala umanong pag-amin sa kanilang panig kaya bakit sila hihingi ng paumanhin?

Kung gagawin umano ito nina Cruz at Nones ay para na rin nilang inamin ang akusasyong sexual abuse.

Nitong Lunes, August 12, muling nagkakaroon ng pagdinig sa Senado, na ang paksa ay “Policies of Television Networks and artists in Relation to Complaints of Abuse and Harassments” sa pamumuno ni Senator Robin Padilla, chairman ng Committee on Public Information and Mass Media.

Hindi dumating ang mga akusado sa unang pagdinig. Bagkus, kumuha pa umano sila ng isa pang abugado bukod kay Garduque.

Dasal lang namin sana ay manaig ang katotohanan at mgwagi ang katarungan.

RLVN