MALAPIT ng mag-isang dekada ang Memory Lane Resto ni Jolina Magdangal sa Tagaytay City na kasosyo ang kanyang mga magulang. Click sa mga customer ng resto ang homey ambiance nito at hindi lang puwedeng mag-dine-in dito kundi puwede ring magpaganda sa kanilang salon at bumili ng souvenir items.
Ilan sa favorite menu sa Memory Lane ay: Appetizers, Starters, and Chicken, Breakfast and Snacks, Rice, Pork, Beef, Fish & Seafoods, Vegetables Desserts, Refreshing Drinks, Alcoholic Beverages.
Maliban sa kanilang restaurant ay may sarili ring fashion line si Jolina na inyong mabibili via online. Bata pa lang ay mahilig na sa accessories ang nasabing Kapamilya actress at ngayon ay ginawa na niya itong negosyo na dagdag income sa kanila ng mister na si Mark Escueta na dating miyembro ng Rock band na Rivermaya.
MAINE MENDOZA GENEROUS FUNNY GIRL SA “BOOM” SEGMENT NG EAT BULAGA
HINDI lang sa 70s outfit ni Maine Mendoza sa hit na segment na “BOOM” na kinaaliwan ngayon sa Eat Bulaga dabarkad viewers kundi sa pagiging funny girl nito na super galante kung mamigay na premyong cash para sa magkakalabang grupo ng player sa nasabing segment. At carry-carry na talaga ni Boomgga Ka Day Maine, ang magpatawa na hindi corny ang dating.
Although marami ang sad na hindi sila magka-partner dito ng kanyang kalabtim na si Alden Richards ay happy na rin ang kanilang fans dahil ang tatay-tatayan naman na si Bossing Vic Sotto ang kasama sa nasabing portion plus Ruby Rodriguez as Boomdat. Matindi ang malaeksena sa action movie ang dating ng Boom na kapag nagkamali ng sagot ang contestant ay puwede siyang ma-boom o masabugan pero safe naman. Mula P50K pataas ang puwedeng mapanalunan dito ng group player.
COMEBACKING RECORDING ARTIST GABRIELA, HAPPY SA KANYANG MEGA-C ENDORSEMENT
NATUTUWA ang comebacking recording artist at latest celebrity endorser ng vitamin C na Mega-C na si Gabriela at lalong nakilala ang pinasikat niyang awitin na “Natatawa Ako” ng i-revive ni K Brosas na sinuportahan ng mother network nito na ABS-CBN. Very thankful naman si Gabriela at marami sa kababayan natin ang aware na siya ang original singer ng Natatawa Ako, na composed ng hit maker na si Vehnee Saturno.
Malaking blessing para kay Gabriella na dumating sa buhay at career niya ang Mega-C kaya tuwing may show siya ay todo promote siya ng nasabing bitamina na maraming health benefits. At gustong magpasalamat ng singer sa kanyang mga bossing sa MEGA-C sa pangunguna ni Tita of Mega C na si Madam Yvonne Benavidez at Sir Jess Calimba.
“Marami na po akong nasubukan na Vitamin C pero para sa akin ay ang Mega-C ang pinaka-effective since mag-take ako nito kahit puyat ako sa mga raket ay always on the go pa rin. Kaya gusto kong isulong ‘yung aking slogan na Up Up Up, na dapat ay alagaan natin ang ating kalusugan at malaking tulong ang Mega-C para maiwasan na hindi tayo magkasakit. At 568.18 mg ito ay hindi tulad ng mga kilalang brand na 500mg lang,” pag-bibida pa ni Gabriela. Samantala soon, ay i-mamarket na rin sa Bahrain ang nasabing bitamina.
Comments are closed.