JOLLIBEE BIBILHIN ANG COFFEE BEAN AND TEA LEAF NG $350-M

JOLLIBEE-COFFEE BEAN AND TEA LEAF

INIHAYAG ng Jollibee Foods Corp. kamakailan na bibilhin nila ang Coffee Bean at Tea Leaf sa isang deal na nagkakahalaga ng total na $350 million (Php18 billion), ang pinaka-malaki sa kanilang sunod-sunod na global acquisitions.

Sinabi ng pinakamalaking fast food ope­rator ng bansa na magpopondo sila ng $100 million sa isang bagong Singapore-based holdings company para bilhin ang 100 percent ng Cali­fornia-based specialty coffee chain.

“The acquisition of The Coffee Bean and Tea Leaf will be JFC’s largest and most multinational so far with business presence in 27 countries,” pahayag ng founder na si Tony Tan Caktiong.

Ang shares ng Jollibee ay bumaba ng 6.74 percent sa pagsasara ng trading noong Miyerkoles, laban sa isang 1.04 percent na pagbaba sa main index. Nag-alala ang investors sa hindi magandang ipinakikita ng Coffee Bean sa nakaraang dalawang taon, paha-yag ni Cegina Capital, pinuno ng sales Luis Limlingan.

“Even though it usually takes around 3 years for JFC to turn its acquired businesses around, it does add challenge considering that the firm is still in the midst of rationalizing Smashburger’s operations,” sabi niya.

Ang Smashburger ay ang mabilis na casual burger chain ng Jollibee sa US na humahamon sa Five Guys at Shake Shack.

JOLLIBEE HUMAHABOL SA MCDONALD’S,

KFC WORLD CROWN SA  PAGBILI NG KOMPANYA

May 1,189 nang sa­ngay ang The Coffee Bean at Tea Leaf brand hanggang noong Disyembre 2018.

Magdadagdag pa ito ng specialty coffee sa kampo ng Jollibee na kasama ang hamburgers, fried chicken, pizza at Chinese food.

Ang Java Ventures LLC, isang subsidiya ng Jollibee Worldwide, ay bibili ng kompanya. Ito rin ang wholly-owned unit ng ba-gong holding firm, paglalahad ng Jollibee.

Noong nakaraang taon, kumuha ang Jollibee ng 47-percent stake sa Mexican chain na Tortas Frontera, na nagsisilbi ng pulled pork, chorizo at beef sandwiches na may sidings na guacamole at cilantro salsa.

Nauna rito noong 2018, namuhunan ang Jollibee ng P1.74 bilyon para mabili ang Asia Pacific, master franchise holder ng Tim Ho Wan, sikat na barbecue pork buns.

Sa kanyang home turf, nagpapalawak ang kompanya ng kanyang portfolio na kasali ang 3,000 Jollibee, Chowking, Green-which, Red Ribbon, Mang Inasal at tindahan ng Burger King.

Noong Setyembre 2018, inanunsiyo ng Jollibee ang kanyang 50-50 joint venture sa may-ari ng Panda Express na dalhin ang brand at ang kanyang signature orange chicken sa Filipinas.

Noong Abril 2018, inanunsiyo ng Jollibee ang kanyang pinuhunan sa SuperFoods Group para dalhin ang Vietna­mese noodle soup chain PHO24 sa bansa.

Comments are closed.