BUNSOD ng malawak na sunog noong Hulyo 23, isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Jolo sa Sulu.
Bunsod ng sunog na sumira sa 2,600 kabahayan noong Martes.
Ayon kay Vice Mayor Abdel Razi Amin, aabot sa 2,600 bahay ang nasunog dahilan para magdesisyon sa pulong ng Sangguni-ang Bayan at ni Mayor Kerhar Tan na ideklara ang state of calamity sa nasabing bayan.
Sinabi ni Amin na 18 ektarya ng residential area ang tinupok ng apoy kung saan nawalan ng tirahan ang 5,200 pamilya o 26,000 katao.
Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection, aabot sa P35 milyon ang napinsala sa sunog.
Sa pagdalaw sa mga nasunugan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kaagad niyang ipinag-utos ang pagbib-igay ng limang fire trucks sa lugar. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.