NAKAHANDA si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Chief Consultant Jose Maria Sison na makipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pirmahan ng interim peace agreement, ngunit hindi sa Pilipinas.
Kinokonsidera ni Joma na sa Oslo, Norway o sa Hanoi, Vietnam niya makaharap ang Pangulo.
Iminungkahi ng NDFP na isagawa ang pirmahan sa Vietnam bilang konsiderasyon sa abalang schedule ni Duterte.
Una nang napagkasunduan ng peace negotiating panels ng gobyerno at NDFP sa back channel talks na sa Oslo isagawa ang pirmahan ng interim peace agreement.
Gayunman, sinabi ni Sison na umatras ang gobyerno at inalok na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang dadalo.
Tinanggihan din umano ng gobyerno ang mungkahing sa Hanoi ito gawin. V. RUIZ
Comments are closed.