ILANG ex-kadres pa ang lumulutang ngayon para hilingin sa pamahalaan at kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyang-pansin na ang kanilang panawagan na pabalikin na ng bansa si Jose Maria Sison at papanagutin sa mga krimen nito.
Ayon sa mga ex-kadres, naniniwala sila na hindi pa magiging huli ang lahat para makamit nila ang katarungan kung pakikinggan ng pamahalaan at igiit sa bansa na kumakanlong kay Joma na alisan na ito ng asylum.
Dahil kung patuloy anilang mamumuhay nang marangya at malaya si Joma sa kabila ng mga ginawa nitong krimen sa kilusang kanyang binuo, patuloy na darami ang mga Filipino na maloloko ng CPP-NPA-NDF.
Si Joma ay tinaguriang terorista ng Filipinas at utak sa paghahasik ng terorismo sa bansa.
Inihalintulad siya sa malupit na pamumuno ni Pol Pot, ang pinuno ng Kilusang Komunista ng Cambodia.
Kung si Pol Pot ay kumuha ng lakas kay Prince Norodom Shihanouk— na sa huli ay kanyang niloko at ginawa na lamang na palamuti, ginamit naman ni Joma ang mga Pinoy na nasa middle class. Kanyang binilog ang mga ulo at sa huli ay aagawan pa ng mga ari-arian.
Sa pamumuno ni Pol Pot, na tinaguriang BIG BROTHER NUMBER ONE, pinapatay nito ang mga miyembro ng Communist Party of Kampuchea na kanyang pinaghihinalaan ang katapatan dahil sa takot na mag-aklas ang mga ito, katulad din ng ginagawa ni Joma sa CTG kaya nagkaroon ng OPML sa Inopacan Leyte, AHOS.
Si Joma ang itinurong utak sa pinakamadugong EJK at purging sa kilusan o ang OPLAN Missing link. Ito ang nagbigay-daan para madiskubre ng publiko ang mas marami pang purgings at killing fields ng CTG, na ang mga biktima ay silang inosenteng miyembro na inalay ang kanilang buhay sa kilusan.
Lumabas na nasa 5,000 NPA/CPP members at kadres na ang naging biktima ng purging at mismong mga anak ng rebolusyon ang pinapatay.
Comments are closed.