“This coward has gone insane !”
Ito ang tahasang pahayag kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines kaugnay sa inilabas na pahayag ni Communist Party of the Philiipine founding chairman Jose Maria Sison.
Ayon kay Joma Sison, madali lamang para sa United States na utusan ang kanilang mga kaalyado sa AFP at PNP para arestuhin si Pangulong Ro-drigo Roa Duterte at iluklok sa poder si Vice President Leni Robredo bilang pangulo.
“He is already muttering words of an old man whose memory has abandoned him. Come back to the Philippines and face reality,” giit ni AFP Public Information Office Chief Col. Noel Detoyato.
Ani Detoyato, ang ating bansa ay may soberenya, may sariling democratic institutions at ang sinasabi ni Joma ay pagpapakita lamang ng takbo ng kanyang utak. VERLIN RUIZ
Comments are closed.