NAGLABAS na ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court laban kay Jose Maria Sison at iba pang lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army at mga makakaliwang organisasyon kaugnay sa Inopacan massacre kung saan mahigit 100 NPA mem-bers ang pinapatay matapos pagbintangang mga deep penetration agent (DPA) sa Leyte noong Dekada 80.
Lumilitaw sa pag-aaral ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina kaugnay sa mass purging na ginawa ng NPA laban sa pinaniniwalaan nilang traydor sa kilusan.
Gaya aniya ng ibang kasong nakabinbin sa korte, iginagalang ng Office of the President ang desisyon ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina na may basehan ang akusasyon laban kina Sison kaugnay sa mass purging.
Nadiskubre ng militar ang sinasabing killing field ng CPP-NPA sa kasagsagan ng kanilang pagpupurga laban sa mga pinaghihinalaang DPA sa ila-lim ng inilunsad na Oplan Ahos o missing link na naging mass grave para sa mga biktima ng purging sa bayan ng Inopacan, na tinaguriang “The Gar-den.”
Kaugnay nito, hinikayat ng Malacañang si Sison na umuwi ng bansa mula sa pagtatago sa The Netherlands para harapin ang kasong may kinal-aman sa Inopacan massacre.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat maging matapang si Sison na humarap sa paglilitis, mag-avail ng karapatang kompronta-hin ang mga nang-aakusa, at maghanda ng depensa sa sarili.
Inihayag ni Panelo na kaisa sila sa pamilya ng mga biktima sa panawagan ng hustisya kasabay ng katiyakang isisilbi ng Ehekutibo ang warrant of ar-rest na ipinag-utos ng Hudikatura. VERLIN RUIZ
Comments are closed.