JOMARI YLLANA AT PRISCILLA ALMEDA PUWEDENG MAGPAKASAL

LUMANTAD na ang bago at dati ring pag-ibig ni  Parañaque City Councilor Jomarireflection Yllana  na tinutukoy ng ex-live-in partner niya at ina ng dalawa niyang anak na si Joy Reyes.

Ang tinutukoy namin ay ang dating sexy star na si Priscilla Almeda. Pero bago ‘yun, una siyang nakilala bilang ang teen star na si Abby Viduya at ipinakilala sa pelikulang “Gwapings” na pinagbibidahan nina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructouso at ni  Jomari. Dito nagkakilala at nagkainlaban sina Jomari at Abby.

Sa report na lumabas, may asawa at tatlong anak si Abby. Pero  nilinaw ng aming source na hindi kasal sa ama ng kanyang mga anak.

Habang si Jomari naman ay matagal nang annulled ang kasal kay Aiko Melendez. Kaya sa true lang, puwedeng-puwede magpakasal sina Jomari at Abby

Ayon pa sa aming source, aware si Abby na madalas tawagan ni Joy ang dating karelasyon ni Abby. Ang siste, sinisi­raan daw ni Joy si Abby sa kanyang former lover.

Ganern?

VICE GANDA AT COCO MARTIN WALANG KOMPETENSIYA SA MMFF

NI-REVEAL ni Vice Ganda ang naganap na usapan nila ng long-time friend niya na si Coco Martin sa grand mediacon ng “The Mall, The Merrier” ng Star Cinema na showing na sa December 25.

Nagkumustahan daw muna sila ni Coco ng personal nilang buhay and then, tungkol sa kanilang careers especially sa respective film entry nila ni Coco sa 2019 Metro Manila Film Festival.

“Sabi ko sa kanya, okey naman ang pelikula namin. Tapos sabi niya, ‘Alagaan mo ‘tong filmfest,” sabi niyang ganoon. Kasi, parang,  ‘Sa ‘yo na ‘to, e,’ sabi niya. ‘Gusto ko laging maganda ‘yung  pelikulang nilalabas mo.’ Tapos sabi niya, ‘Ako, okey na ako’ng sumusunod lang sa ‘yo, first-runner-up mo ko lagi. Sabi kong ganoon, “Uy, hindi naman. Pero okey rin na first runner-up ka.” Hahaha!”

Sinundan pa raw ni Coco ang sinabi niya kay Vice na siguraduhin ng gay comedian na maganda ang movie nila ni Anne Curtis na “The Mall, The Merrier.”

“Tapos sabi niya, “Hindi ka ba nangangarag?” Sabi ko, ‘Okey lang naman. Kasi ang gaan ng shooting namin.’ Sabi ko ko sa kanya, “Ikaw nga ang gusto kong kumustahin. Humihinga ka ba? Kasi, ikaw ang nagdi-direk ng ‘Ang Probinsyano.’ Ikaw rin ang nagdi-direk ng pelikula mo. Tapos ikaw rin ang producer, ikaw ang artista. Ikaw na ang lahat. Tapos ikaw din ang manonood.   ‘Di ba ikaw din sa catering? Tapos, nagwo-worry ako sa ‘yo lagi. Baka kung ano ang mangyari sa ‘yo.  At least ako, pakialamera lang ako sa pelikula ko. Meron akong sariling direktor Pero pakialamera lang ako.’ E, siya? Lahat!

“Kaya ang saya lang ng lahat. Hindi nawawala ‘yung ano, love and concern namin sa isa’t isa. Kasi, nu’ng nagsimula ka dito, ganoon kami, e. “

Kasama rin sa “The Mall, The Merrier” sina Dimples Romana, Tony Labrusca, Jameson Blake, Elisse Joson, Ion Perez, at Girl Jackie Gonzaga, Lassy Marquez, MC Callaquian, Brendamage, Petitez Chad Kinis, Miel Espinosa, Carlo Gigil, at marami pang iba.