MAAGANG nagtrabaho si Jon Lucas para makatulong sa pamilya. Nakita raw niyang sobrang nahihirapan ang kanyang pamilya kaya nagkusa siyang magtrabaho ng maaga.
Nagsawa na raw kasi siyang iisang kwarto lang ang tinutulugan nilang lahat dahil iyon lang ang kaya nila. Nagplano pa nga raw nag-abroad ang kanyang ina, pero hindi siya pumayag. Mas ginusto pa niyang tumulong sa pagtatrabaho kesa umalis ang kanyang ina at malayo sa kanila.
Nagdesisyon daw siyang magtrabaho para kahit ang kapatid man lamang niya ay makapagpatuloy ng pag-aaral.
Swerte namang nakapasa siya sa audition sa pag-aartista, kaya nakakatulong na siya kahit paano sap ag-aaral ng kanyang kapatid.
Pero noong una, nahirapan daw siyang makakuha ng mga projects kaya natuloy rin sap ag-a-abroad ang nanay niya.
Wala naman siyang magawa dahil kailangan talaga. Lagi raw niyang nami-miss ang nanay niya pero ganoon talaga ang buhay. Sa ngayon, nakauwi na raw ang nanay niya at kasama na uli ng kanyang pamilya.
Noong 2017, pinakasalan ni Jon si Shy Ferras at nagkaroon sila ng dalawang anak – sina Brycen at Bria. Medyo may pangalan na rin siya ngayon at kaya na niyang suportahan ang kanyang pamilya. NLVN