MATAPOS ang dalawang araw na pahinga, sisikapin ng Mighty Sports-Go For Gold Philippines na maipagpatuloy ang impresibong winning run nito sa pagsagupa sa Indonesia sa Jones Cup ngayon sa Changhua, Taiwan.
May league-leading 5-0 record, ang kinatawan ng bansa sa taunang torneo ay nangangailangan lamang na manalo sa dalawa sa tatlong nalalabing laro para mabawi ang titulo na napanalunan nito sa kanilang unang pagsabak, tatlong taon na ang nakalilipas, sa pamamagitan ng eight-game sweep.
Nakatakda ang showdown sa alas-3 ng hapon.
Matapos ang Indonesia, ang Mighty-GFG sa ilalim ni coach Charles Tiu ay mapapalaban sa Taiwan-A sa Sabado, Hulyo 20, bago tapusin ang kanilang kampanya sa pagsagupa sa Taiwan B sa Linggo, Hulyo 21.
“It would be nice if we reclaim the title via a sweep,” wika ni team owner Alexander Wongchuking. “It’s sweeter the second time around.”
Comments are closed.