KUMARERA ang Mighty Sports sa ikatlong sunod na panalo sa 2019 William Jones Cup makaraang paglaruan ang Japan, 94-59, kahapon sa Taiwan.
Nanalasa ang Mighty Sports sa second quarter kung saan nalimitahan nito ang Japan sa 9 points lamang, at nagbuhos ng 31 points sa third quarter.
Nagbida si Renaldo Balkman para sa Mighty Sports na may double-double na 27 points at 12 rebounds, habang nagdagdag sina Eugene Phelps ng 19 points at Mikey Williams ng 17 markers.
Bumuslo ang Mighty Sports ng 51.5% mula sa field, habang nagkasya lamang ang Japan sa 29.3% shooting. Sa 32 three-point attempts ay lima lamang ang naipasok ng Japan.
Nauna nang tinalo ng Mighty Sports ang Iran, 98-72, at Jordan, 90-74.
Magbabalik sila sa aksiyon sa Lunes ng hapon laban sa Canada.
Comments are closed.