JOSE APOLONIO BURGOS, PARING MARTIR

ISINILANG si Padre Jose Apolonio Burgos  sa Vigan, Ilocos Sur noong 9 Pebrero 1837 kina Tenyente José Tiburcio Burgos at Florencia Garcia. Maaga siyang naulila pero nakapag-aral pa rin siya ng Bachiller en Artes sa Colegio de San Juan de Letran, at naging pari noong 11 Pebrero 1885 na itinalaga sa Katedral ng Maynila.

Sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral, nakatapos siya nang may karangalan para sa kursong Teolohiya (1859), Pilosopiya (1860), “Bachelor of Canon” (1866), at “Doctorate’s Degree” para sa Teolohiya (1868) at “Canon Law” (1871).

Umanib siya at naging aktibo sa kilusang pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez na nakikipaglaban sa karapatan ng mga Pilipinong pari at nang mamatay ito, siya naman ang namuno sa kilusan kasama sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora.

Noong 20 Enero 1872, isiniwalat ni Sarhento Bonifacio Octavo na isang lalaking nagngagalang Zaldua ang naghihikayat ng mga tao na mag-aklas. Tumestigo si Octavo na inuutusan ni Burgos si Zaldua na manghihikayat, ngunit dahil sa paiba-iba ng kanyang testimonya. Nauwi ito sa wala ngunit para kay Gov. Rafael Izquierdo sadyang kaduda-duda si Burgos kaya nadiin siya kasama sina Padre Zamora at Padre Gomez, sa kasong sedisyon.

Mayroon silang abogado ngunit trinaydor sila sa korte kaya noong 17 Pebrero 1872, pinatay sila sa garote sa Fort Santiago sa Bagumbayan (Luneta).

Namatay siya sa edad na 35. Silang tatlo ay tinawag na GOMBURZA, ang tatlong paring martir, na nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng ikalawa niyang nobela, ang El Filibusterismo. LEANNE SPHERE