JOSE MANALO RUMESBAK SA MGA BASHER

hotshotsHINDI nagustuhan ng mga nagmamahal kay Jose Manalo sa pangmamaliliit  sa kanya na wala raw karapatan na ma­ging council ng Starstruck 7, dahil kung tutuusin ay mas may karapatan pa nga ito humarap sa mga Starstruck hopeful dahil  bihasa na itong humarap sa mga nag-audition sa iba`t ibang contest ng Eat Bulaga.

Masasabi na marunong kumilatis  si Jose ng isang contestant kung may karapatan itong mapasama sa nasabing reality artista search ng GMA 7.

“Hindi lang naman mga pang-drama ang ha­nap natin sa isang artista. Kailangan ‘yung maga­ling din magpatawa.

“Mas maganda kung versatile ang isang contestant. ‘Yung kahit na anong ipagawa sa kanya, magagawa niya.

“May tawag doon, eh. ‘Yung ‘triple treat.’ Magaling kumanta, sumayaw  at umarte. Kung may ganoon sa 22 hopeful natin, eh di mas maganda,” nakangiting say ni Jose.

Payo nga niya sa mga contestant ng Starstruck ay huwag paapekto sa mga magiging comment sa kanila ng maraming tao.

“Uso  kasi ang bashing sa social media, ‘di ba?  Eh noong araw naman walang ganyan. Kaya ako walang social media account, eh. Wala akong Facebook, Twitter or I­nstagram. Kasi magiging problema pa ‘yan.

“As long na wala kang alam at nababasa, okey lang lahat. Marami na tayong problema, hindi tayo dapat mag-entertain ng anumang negative.

“Yang  mga basher, puro inggit lang ang mga yan. Kaya huwag pansinin,” pagdidiin pa ni Jose.

Samantala,  nagpapasalamat si Jose sa Eat Bulaga barkada na la­ging nakasuporta sa kanya kahit na anong mangyari. Hindi siya pinababayaan kapag may mabigat na problema.

ANITA LINDA NAPAIYAK SA PARANGAL NG FDCP

ANITA LINDANAPAIYAK ang  seasoned actress na si Anita Linda nang bigyan ng parangal ng Film Development Council of the Philippines (FDCP)  sa pangunguna ni Chairperson Liza Diño.

Ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Centennial of Philippine Cinema na kung saan pinarangalan ang veteran actress na ang tunay na pangalan ay Alicia Lake bilang Dunong ng Ina.

Dumating si Ms. A­nita Linda sa okasyon na naka-wheelchair at siya kasama si FDCP Chair Liza Diño ang nag-cut ng ribbon bilang pagsisimula ng programa.

Kasama ni Ms. Anita ang kanyang pamilya na kung saan inikot nila ang exhibit ng mga pelikulang nagawa ng veteran actress habang inalalayan siya ni Direk Adolf Aliz at Ms.­Diño.

Habang  pinagmamasdan ni Ms Anita ang poster ng kanyang mga pelikula ay hindi na nito napigilan ang mapaiyak. Nasabi pa niya kay Ms Liza Dino na wala siyang kopya ng poster ng pelikulang Sisa at nangako naman si Chair Liza na ibibigay niya ito sa kanya.

Nang bibigyan parangal na si Ms. Anita bilang Dunong Ina ay nagsalita muna ang kanyang isang pamangkin para ibahagi kung sino talaga si Anita Linda sa kanilang  pamilya.

Ayon  sa pamangkin ni Ms. Anita ay 13 silang magkakapatid  at pampito  ang veteran actress at ito na lang ang natitirang buhay.

Humagulgol ng iyak si Ms Anita nang tangga­pin ang kanyang parangal.

“Salamat. Thank you. Thank you,” ang nasabi lang nito na umiiyak nang tanggapin ang karangalan.

Ang nakalulungkot ay nakatakda rin daw bigyang parangal si Mr. E­ddie Garcia pero dahil nga sa sinapit nitong aksidente ay baka hindi na ito mangyari.

JINKEE PACQUIAO INAMING KABADO SA LABAN NI PACMAN VS. THURMAN

jinkee pacquiaoINAMIN ni JInkee Pacquiao na kabado siya sa nalalapit na laban ni Manny Pacquiao kay Keith Thurman na magaganap sa July 20 sa Las Vegas dahil una ay mas bata  raw ito kay Pacman ng 10 taon.

Bukod sa 30 years old lang si Keith ay undefeated champion pa raw ito. Pero puspusan naman daw ang ginagawang pag­hahanda ng Pambansang Kamao sa laban.

Wish nga ni Jinkee ay na pagkatapos ng laban ay magretiro na ang kanyang husband senator sa boxing. Pero lagi nga raw sinasabi sa kanya ay gusto nito munang makaharap muli sa ring si Floyd Mayweather Jr.

Pero tila hindi naman interesadong labanan muli ni Mayweather si Pacman kaya sabi ni Jinkee ay sana raw ay huli  na itong laban ni Manny kay Keith Thurman.

Pero kay Manny pa rin raw ang desisyon kung magreretiro na sa boxing pagkatapos ng laban nito kay Thurman.

 

Comments are closed.