JOSHUA AT JULIA ‘DI NA IN-DEMAND BILANG TANDEM SA TV COMMERCIAL

KUNG may TV commercial ngayon sina Joshua Garcia at Julia Barretto, tiyak nastar mirror hindi na ito mare-renew dahil hindi na sila in-demand tandem mula nang mapabalitang split na ang dalawa at sangkot pa sa mainit na kontrobersya.

Puwedeng isiping nakalagay sa kontrata na epektibo lang ang kanilang pag-eendorso habang mag-on sila.

Matapos nabalitang hiwalay na sina Joshua at Julia at may pa-eklay ang dalawa na naghiwalay sila bilang magkasintahan pero nagkabalikan bilang best friends. As in, sweet pa rin sila sa isa’t isa kahit hindi maganda ang kanilang naging closure para hindi mawala sa kanila ang commecial.

Sa ngayon, may bagong TVC si Joshua para sa isang higanteng food chain, nag-iisa na lang siya sa commercial, wala na si Julia na dati niyang katambal sa patalastas.

Kapaniwalaan na kapag nagkahiwalay ang magka-loveteam ay ang lalaki ang nagiging dehado sa labanan. Pero hindi sa parte ni Tirso Cruz lll at Alden Richards na pa­tuloy pa rin ang takbo ng kanyang career nang mahiwalay sila sa kanilang mga naka-loveteam tulad nila Nora Aunor at Maine Mendoza, respectively.

Tulad din ni Joshua na patuloy ang maayos na career sa pagkawala ni Julia dahil tanggap ng publiko ang tambalan nila ni Janella Savador sa The Killer Bride. Mas kuminang pa nga ang pangalan ng young actor ngayong wala na si Julia.

SUE RAMIREZ TANGGAP ANG PAGKA-STARLET

INILABAS ni Sue Ramirez ang kanyang frustrations sa mga kabataang mas SUE RAMIREZpinanonood ang pelikulang bida ang malalaking artista.

“Masakit siya for us kasi not everyone is as big as everyone. And I just feel like they’re not giving other people the chances that they deserve to the beautiful stories that they have made, for the hard work that they have given out into these movies that we lost sleep, blood and sweat in,” pahayag ni Sue.

Nangyari ang pagiging emosyunal ng aktres nang mag-guest siya sa Bottomline ni Boy Abunda.

Sa puntong ito ay walang dapat masisi ang aktres. Hindi lahat ng kabataang milenyal ay panonoorin siya kasi hindi naman siya naging big winner sa isang artista search tulad ng Pinoy Big Brother, Tawag Ng Tanghalan o Philippine Idol. Wala siyang naiuwing karangalan mula sa international competitions tulad ng beauty pageant.

Dapat magpasalamat na lang si Sue dahil kahit nasa starlet level pa ito ay hindi siya nawawalan ng pelikula. Dapat sa kanya, kung sino man ang nagma-manage ng kanyang karir ay hindi siya mawalan ng bonggang publicity at palaging napano­nood sa TV.

Comments are closed.