JOSHUA AT JULIA MAGKASAMA PARA LANG SA PELIKULA

JULIA-JOSHUA

FOR the sake na lang daw ng pelikula ang pagsasama nina Joshua Garcia at Julia hotshotsBarretto.

Hindi nakaligtas sa isang panayam na pag-usapan ng dalawa ang kanilang movie na produce ng Star Cinema.

Wala na ‘yung da­ting sweetness ng dalawa kapag magkasama. Kung hindi pa tatanungin ng press ay hindi pa sila magbibigay ng pahayag kung ano ang kanilang nararamdaman pagkatapos ng hindi magandang nangyari sa kanilang loveteam.

Ang tanong na lang ay kung tatanggapin pa kaya ng kanilang followers ang muling pagsasama nila sa pelikula?

Ang pelikula  nila ang magsasabi kung okey pa rin ang kanilang loveteam dahil kapag ito ay hindi nag-klik ay iisa lang ang ibig sabihin, tapos na ang kanilang showbiz career bilang magka-loveteam.

Sana  ay magklik  pa rin at kumita sa takilya ang kanilang pelikula dahil sayang ang kasikatang tinamasa nila noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz.

HEART EVANGELISTA IDINISPLAY ANG WALK-IN CLOSET NA PUNO NG DAMIT AT SAPATOS

MARAMI  ang nainggit  sa ipinost na walk-in closet  ni Heart Evangelista. Paano  ka naman raw na hindi maiinggit sa mala-boutique na walk-in closet dahil sa sangkatutak na sapatos  at mga damit.

Makikita sa larawan ang sangkatutak na pair of shoes ni Heart na sa dami ay kahit araw-araw siyang magpalit  ay hindi siya uulit ng sapatos.

Hindi pa kasama doon sa naka-display ang mga flat shoes at rubber shoes  na sangkatutak din na gamit niya kapag  siya ay nagwo-workout.

Matatandaang nabanggit ni Heart noong ginagawa pa lang ang bahay nila ni Gov. Chiz Escudero sa New Manila na isa sa pinaka-importante para kay Heart ay ang walk-in closet sa bahay.

Hindi na rin maitatanggi ni Heart na gusto na rin niya magka-baby dahil nabanggit niya rin sa kanyang post na umaasa siya na ipapasa niya ang lahat ng kanyang magagandang gamit sa kanyang magiging anak.

Right now, ay hindi maitago ni Heart ang pagkagiliw kapag nakikita niya ang kanyang pamangkin na si Isabella Wolf, anak ng sister niyang si Camille at Andrew Wolf.

YAM CONCEPCION AYAW NANG MAGPA-SEXY

PARANG diring-diri na raw si Yam Concepcion kapag natatanong kung gagawa pa rin siya ng sexy movie na siyang nagpasikat sa kanya para siya makilala at pantasyahan ng barakong followers.

Hindi naman daw niya ikinahihiya na nagsimula siya sa pagpapa-seksi sa showbiz pero ayaw na raw niyang gumawa uli ng sexy movie.

Kuntento na raw siya sa kalagayan niya ngayon at kahit daw may offer na sexy movie ay kanyang tatanggihan dahil ayaw na niyang gumawa pa uli ng mga daring at sexy movie.

Well, sana lang ay tanggapin din siya kapag hindi na sexy movie ang kanyang pelikula.