SI DIREK Joyce Bernal ang magdidirek ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Hulyo 23.
Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na mismong si Pangulong Duterte ang pumili sa premyadong direktor.
Ayon kay Andanar, ipinulong na rin ni Direk Joyce sina Radio-Television Malacañang (RTVM) Director Demic Pabalan at mga miyembro ng technical working group para sa mga gagawing paghahanda sa nalalapit na SONA.
Magsasagawa na ang grupo ng ocular inspection sa House of Representatives para matukoy ang paglalagyan ng camera at iba pang paghahandang kakailanganin upang matagumpay na maisakatuparan ang address.
Ang dalawang unang SONA ni Duterte ay idinirehe ni Brillante Mendoza. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.