MATAPOS ang matagumpay na unang Bazaar ng paaralang Joyland Playschool Childcare and Learning Center noong 2017, nagpatuloy ang programa ng KIDPRENEUR sa pamamagitan ng pagtitinda ng iba’t ibang uri ng pagkain ng mga bata mula sa baitang ng Kinder 2.
Sa gawain na ito, ang mga bata mismo ang nagtitinda ng pagkain sa kanilang mga kamag-aral. Bawat araw ay may nakatalagang isang bata na magtitinda at ang kanyang kita ay inihuhulog sa kanyang ‘Munting Milyonaryo’ passbook na pinalalago naman ng kooperatiba ng paaralan. Dahil sa kooperatiba ng eskuwelahan na kinabibilangan ng mga magulang sa Joyland Learning Center ay nadaragdagan ang ipon ng mga mag-aaral.
Sa buong suporta ng mga magulang at nawiwiling bata, sa ikalawang pagkakataon ay muling naglunsad ang paaralan ng Ba-zaar 2018 na idinaos noong ika-30 ng Nobyembre, kung saan ang mga mag-aaral mula sa baitang na Kinder 2 ay nagtinda sa labas ng paaralan ng kani-kanilang produkto.
Bilang pakikibahagi ng kanilang kaklase sa tulong ng kanilang mga magulang, mula sa baitang na Nursery at Kinder 1, sila ay bumili ng tiket sa halagang P100 pesos na magiging pondo sa pagbili ng produkto. Lahat ng tiket na nalikom ng bata ay pinalitan ng pamunuan ng Joyland school para ito’y maging pera mula sa paunang bayad ng pagbili ng ticket. Gumawa rin ng flyers ang paaralan upang imbitahan ang buong nasasakupang komunidad na naging bahagi ng tagumpay ng nasabing Bazaar.
Naging maayos at matagumpay ang Bazaar 2018 ‘The Market Place for the Kids’. Dito naipamalas ng mga bata ang galing sa pag-aalok ng kanilang produkto, paggawa ng kani-kanilang store name at pag-aayos ng kanilang mga paninda sa tulong ng kanilang mga magulang.
Bukod sa pagtitinda ay nagkaroon din ng munting programa kung saan ang mga mag-aaral mula sa baitang ng Kinder 2 ay nagpamalas ng angking galing sa pagsasayaw. Ang lahat ay masaya sa pagbili ng iba’t ibang produkto at sa panonood ng pro-gramang inihanda ng mga mag-aaral.
Ang Kidpreneur ay programa ng Mission Ministries Philippines, Inc. na ang layunin ay maturuan ang mga bata na sa kanilang mu-rang edad ay magkaroon ng kamulatan sa pagnenegosyo. Para sa karagdagang inpormasyon maaari kayong bumista sa website na http://www.MissionMinistriesPhilippines.org. JHO CASTRO