JPE: CARPIO HINDI NAIINTINDIHAN ANG BATAS SA PAGBUBUWIS

BINARA ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang propagandista ng mga dilawan na si Atty. Antonio Carpio na hindi umano naiintindihan ang batas ukol sa mga buwis dahil sa mali at walang basehang pag-iingay nito ukol sa estate tax ng pamilya Marcos.

Kasabay nito, iginiit ni Enrile na wala siyang nakikitang ibang dahilan sa isyu kundi pulitika lalo na at isang buwan na lamang bago maghalalan sa Mayo 9.

“Alam ninyo, mga kababayan pulitika ngayon eh bago kayo maghusga, bago kayo maniwala, makinig kayo. Bago kayo maniwala isipin muna ninyo kung totoo yung sinasabi ng mga tao na yan,” ani Enrile sa panayam ng RMN news nitong Martes ng umaga.

“Kahit na ex-Supreme Court Justice (Carpio) kung hindi nya na pag-aralan yan at hindi nya naintindihan at hindi nya prinaktis sa kanyang pagiging abogado, hindi nya naintindihan yan,” dagdag ng dating senador.

Muling ipinaliwanag ni Enrile na kalokohan lamang P203 bilyong na singilin sa estate tax sa pamilya Marcos.

“Ang taxpayer ng estate tax, ay hindi yung tagapag mana, kalokohan yung sinasabi nila na may utang si Bong Bong Marcos at kanyang mga kapatid,” ani Enrile.

“Ang gumawa ng issue, ang gobyerno ni Cory (Aquino), sinequester nila yung mga ari-arian ni presidente Marcos. Pagkatapos sisingilin nila ng estate tax eh kalokohan yun, kaya dapat yung legitimacy nung ari -arian ni Presidente Marcos, malinis yun at dun mo babayaran yung utang niya kung may utang siya,” dagdag ni Enrile.

Nauna nang iginiit ng kampo ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na “maruming” pulitika ang nasa likod nang pagpapalutang sa isyu ukopl sa estate tax.

“Our rivals are misdirecting everyone by claiming that the case has attained finality when the truth of the matter is, it is still pending in court and the ownership of the properties in litigation has yet to be settled,” ani Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ni Marcos.

 

“It is not coincidence that rivals of presidential frontrunner Bongbong Marcos are raising this matter in unison a few weeks before the elections; sadly, this is all about politics,” giit pa ni Rodriguez.