JS PROM SA ISABELA SUSPENDIDO DAHIL SA COVID-19

Prom

SAN MARIANO- HINDI muna pinahintulutan ang pagdaraos ng Junior-Senior Prom at maging ang foundation ng ilang paaralan sa bayan na ito sa Isabela dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ng Sangguniang Bayan Member Girlie Go Warren, chairman ng committee on education, nakatanggap ng kautusan ang pambayang konseho mula sa Department of Health (DOH) pangunahin na sa Municipal Health Office na kung maaari ay iwasan muna ang pagsasagawa ng mga malalaking pagtatanghal o programa upang maiwasan ang paglaganap ng COVID.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang SB member sa Municipal Health Office dahil sa reklamo ng ilang guro at magulang na nakabili na ng su-suotin ng kanilang mga anak na lalahok sa JS prom.

Nauna nang ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) na iwasan ang pagsasagawa ng mga out of campus activities.

Pinakamainam aniya na gawin ng mga punong guro ay makipag-ugna­yan sa municipal health officer at alamin din kung ano ang imumungkahi ng barangay task force. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.