CAMP CRAME -NASA mahigit 1,000 tawag at text ang naaksyunan na ng Joint Task Force COVID Shield Hotlines
Layon nitong maiparamdam sa publiko ang mas mabilis na pagkilos mula sa mga otoridad ngayong umiiral pa rin ang Enhanced Communi-ty Quarantine o ECQ
Ayon kay JTF COVID SHIELD Commanderat PNP Deputy Chief for Operations Lt/G. Guillermo Eleazar, nasa 1,535 na kabuuang tawag ang kanilang natanggap mula nuong Marso 18 hanggang Abril 5
Mula sa nasabing bilang, 939 rito ang may kaugnayan sa mga Authorized Persons Outside of Residence o APOR habang 178 dito ay patungkol naman sa mga Cargo
May 418 tawag din aniya silang natatanggap hinggil naman sa mga katanungan tungkol sa ECQ partikular na ang mga paglilinaw sa ipinatutupad na Guidelines mula sa IATF
Kung susumahin aniya nasa 1,207 tawag na kanilang natanggap ay pawang mga paglilinaw o kaya’y katanungan habang nasa 328 dito ay mga reklamo
Dahil dyan, umaapila ang heneral sa publiko na tandaan at sauluhin ang kanilang Hotline Numbers na 0998-849-0013 para sa Smart users at 0917-538-2495 para naman sa mga Globe user. VERLIN RUIZ
Comments are closed.