JUANCHO TRIVINO SINABING NAGKAAYOS NA SILA NI ALDEN RICHARDS

Pete logo mirrorNAAYOS na raw ang differences sa pagitan nina Juancho Trivino at Alden Richards.

According to Juancho, the day after that issue came out, nagkita na raw sila sa GMA at nagkausap and he apologized and everything was supposedly settled.

Looking back, naging hot issue sa social media last March ang pagdi-dirty finger ni Juancho sa poster ni Alden sa isang tindahan ng relo.

Nag-apologize na raw si Juancho, saying that it was nothing but a bad joke.

Anyway, pinagkaguluhan ng working press si Juancho sa grand press conference ng Inday Will Always Love You last Friday sa GMA Network Center.

Juancho happens to be one of the lead actors in this new teleserye that is slated to detonate in your TV set starting May 21.

BRUNEI-BASED BUSINESSWOMAN SINUPLA SI YNEZ VENERACION

PUMALAG ang Brunei-based Pinay businesswoman na si Kathelyn Dupaya sa pronouncement ng former sexy star na si Ynez Veneracion na diumano’y na-scam siya nito, along with other celebrities.

In an interview, nasabi ni Ynez na nagpaluwal daw siya ng pera bilang investment pero nabanggit niya, on the side, ang Brunei kung saan naka-base supposedly ang negosyo ng taong kanyang tinutukoy.

Last Friday, nagpaunlak naman sa isang exclusive interview si Kathelyn, ang negosyanteng inakusahang nanloko raw kay Ynez, sa isang restaurant sa Quezon City.

Sa interview ay inamin niyang siya ang tinutukoy ni Ynez sa interview nito. She gave her side of the story. “Ang sagot ko po riyan, si Ynez, is one year and a half ang transaction namin. Kumita siya ng P852,000, naibalik ko ang puhunan niya. Anong sinasabi niyang scam?

“Kung ini-scam ko siya at intensiyon ko na lokohin silang lahat, run sa mga sinasabi niyang na-scam, nung nag-abot siya ng pera sa akin, wala akong pinirmahan.

“Ni hindi sila nagpapirma sa akin, we are based on trust. Kaya ganun ko rin pinag-ingatan ang pera nila. Kahit hindi ako nabayaran, because we are dealing with business… hindi utang or whatever, business kami, e.”

Sabi pa ni Kathelyn, inuna raw niyang ma-settle sina Ynez.

Ibinalik daw niya ‘yung puhunan at ang tubo. Kahit hindi raw buo ang tubo, what’s important is the fact that the capital was reimbursed, along with the interest. “Yun ang pinakamahalaga sa akin, kahit wala pa akong nakukuha sa side ko. Sa totoo lang, wala pa akong nakukuha sa halagang 2 percent na ‘yan.”

Sa ipinakitang papel ni Kathelyn, bandang “October 6, 2016” nagsimula ang kanilang business transaction.

Six percent na tubo mula sa kanilang capital ang ibinibigay raw niya sa mga nag-invest sa kanyang negosyo buwan-buwan.

Ang P1.2 million naman ay naibigay ni Ynez sa kanya noong July 2017, at ang kulang na lamang niya ay P260,000. Ito ay tubo na lamang daw.

Kathelyn confided that their business has got to do with selling load to  overseas Filipino workers (OFW) in Brunei. She has supposedly some agents whose job is to sell load to OFWs.

If the name Kathelyn Dupaya is quite familiar, it’s because she was the one who had a disagreement before with former Miss Universe Pia Wurtzbach.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.