JUDAY NAGPASALAMAT SA BASHERS

Judy Ann Santos

IPINOST ni Judy Ann Santos sa kanyang Instagram ang larawan niya na kung saanhotshots ay may thought balloon sa photo niya na nag-sasabing, “Direk  balita  ko more than 100 cinemas na tayo?@! Pasalamat  tayo  sa bashers natin.”

Ang  caption ni Juday sa IG post:

“Ayan  na!  Nadagdagan  na movie  theaters ng Mindanao! May chance  pa pong  mapanood  ang a­ming munting pelikula!

May  nagsabi  na  ma­rami  raw ang nanghina­yang  na hindi nila mahanap  agad sa mga sinehan ang pelikula ni Juday.

Ngayon,  tapos  na ang paglalakwatsa, panonood ng sine ng mga bata at ang mga nakagiginhawa sa buhay ay may pagkakataon na magpunta ng sinehan, lalo na sa mga naghahabol na mapanood pa rin nila  ang Mindanao.

Makikita at mababasa nga sa IG ang request ng mga  fan  na sana raw ay  ibalik  muli  sa Laguna, Batangas at iba pang panig ng Pinas. May request din mula sa ibang bansa na  sana raw ay maipalabas din doon sa kanilang lugar.

Well,  marami na ang nag-aabang kung nakatulong nga raw ba ang pagkapanalo ng awards ng mga naging kulelat sa ta­kilya entry movie sa MMFF, particular na sa entry movie ni Juday.

Ang sigurado ay mas mababa ang kinita sa ta­kilya ng mga entry movie ng MMFF 2019  kumpara sa kinita sa takilya last year ng mga entry movie sa MMFF 2018.

Balita ay hindi aabot sa P1 billion ang kikitain ng mga pelikula sa MMFF 2019.

HIWALAYAN ISYU NG JADINE GIMIK LANG

SIGURADONG masayang-masaya ang may pakana na mapag-usa­pan ang magka-loveteam at partner na sina James Reid at Nadine Lustre dahil sa hiwalayan isyu diumano ng dalawa.

Kinagat ng karamihan ang isyu kaya pinag-uusapan ngayon ang dalawa kung totoo ba o hindi ang paghihiwalay ng dalawa.

May  lumabas pa na kesyo magpapakamatay raw diumano si Nadine kapag kinalasan siya ni James.

Tapos eto, ang latest na isyu na magkasama ang dalawa last Christmas at New Year, meaning,  walang katotohanan ang naglabasang hiwalayan ng dalawa.

Maaring nagkaroon ng matinding tampuhan ang dalawa na ginawa kaagad naghiwalay.

Sana lang ay makatulong kina Nadine at James ang naturang isyu para umangat muli ang kanilang showbiz career.

MOTHER LILY AT ROSELLE NAPAGTANTO NA MAS BEBENTA SI JANE DE LEON MATAPOS MAG-DARNA

HINDI na naging hadlang ang mag-inang Roselle at Lily Monteverde para pigilan o hindi nila payagan si Jane para gumanap na Darna kahit na Star Cinema ang magpo-produce.

Contract star kasi si Jane ng Regal Films at kung tutuusin ay may karapatan ang production ni Mother Lily na pigilan o hindi payagan si Jane na lumabas ng Darna na hindi Regal ang production.

Pero tila napagtanto ng mag-inang Monteverde na pabor rin sa kanila ang pagkuha kay Jane bilang kapalit ni Liza Soberano para gumanap na Darna.

Sure na biglang sisikat si Jane oras na matapos at maipalabas na sa mga sinehan ang Darna. Kaya ang susunod na project ni Jane ay madali  nang maibenta.

One thought on “JUDAY NAGPASALAMAT SA BASHERS”

Comments are closed.