PINURI ni Atty. Nena Santos, isa sa mga private prosecutor ng Maguindanao Massacre case, ang naging performance at paraan ng paghawak sa kaso ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes.
Ayon kay Atty. Santos, sa loob ng sampung taong pagtakbo ng kaso, hindi kailanman nakitaan si Solis-Reyes ng pagpabor saan man sa magkabilang panig.
Sinabi ni Santos, maituturing ding bagong mukha ng judicial system ng bansa si Solis-Reyes dahil sa ipinakita nito katapangan sa paghawak ng kaso.
Nararapat aniyang tularan si Solis-Reyes ng iba pang mga hukom sa bansa.
“She’s very fair, I have my highest respect, never siya nagpakita ng pabor sa prosecution or from sa mga akusado, sa 10 taon wala siyang kina-kausap na mga abogado never siya nag-allow na makausap siya ng mga abogado either sa defense or sa prosecution at napakastrikto,” ani Santos. — sa panayam ng Ratsada Balita.
Ibinaba ni Solis-Reyes kamakalawa ang hatol na ‘guilty’ sa mga Ampatuan kaugnay sa karumal-dumal na kaso ng masaker na nangyari noong Nobyembre 2009. DWIZ882
272727 444979Im so pleased to read this. This really is the kind of manual that needs to be given and not the accidental misinformation thats at the other blogs. Appreciate your sharing this best doc. 16070
305637 958977wohh precisely what I was looking for, thankyou for putting up. 922328