JUDY ANN, ANGELICA AT GLAIZA PUKPUKAN SA FAMAS

INILABAS na ng Famas ang listahan ng mga nominado sa kanilang ika-67 edisyon na ang awardingthe point ceremonies ay gaganapin sa Abril 28, 2019 sa Meralco Theater.

Tulad ng nakaraang taon, walang kaduda-duda sa kanilang choices simula nang pamunuan ang jury nito ng award-winning screenwriter at Plaridel awardee na si Ricky Lee.

Pukpukan ang labanan sa best actress race nina Judy Ann Santos (Ang Da­lawang Mrs Reyes),  Gabby Padilla (Billie and Emma), Perla Bautista (Kung Paano Hinihintay Ang Dapit­hapon),  Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza De Castro (Liway), Iyah Mina (Mamu, And a Mother, Too),  Sarah Geronimo (Miss Granny), Nadine Lustre (Never Not Love You), Marietta Subong (Oda Sa Wala) at Anne Curtis (Sid & Aya: Not A Love Sto-ry).

Magtutunggali naman sa best actor category sina Eddie Garcia (ML), Alwyn Uytingco (Asuang), Victor Neri (A Short History Of A Few Bad Things), Carlo Aquino (Exes Baggage), JM De Guzman (Kung Paano Siya Nawala), Dante Rivero (Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon),  James Reid (Never Not Love You), Mon Confiado (El Peste), Christian Bables (Signal Rock), Daniel Padilla (The Hows of Us) at Ybes Bagadiong (Dog Days).

Sa best supporting actress race naman ay nominado sina  Shaina Magdayao (Ang Panahon Ng Halimaw), Hazel Orencio (Ang Panahon Ng Halimaw), Bituin Escalante (Ang Panahon Ng Halimaw), Pinky Amador (Ang Panahon Ng Halimaw), Cherie Gil (Citizen Jake), Daria Ramirez (Signal Rock),  Agot Isidro (Kung Paano Siya Nawala), Adrienne Vergara (Dog Days), Mary Joy Apostol (Hospicio) at Cielo Aquino (Billie and Emma).

Sa best supporting actor naman ay magkakarera sina Publio J. Briones III (A Short History Of A Few Bad Things), Levi Ignacio (BuyBust), Arjo Atayde (BuyBust), Teroy Guzman (Citizen Jake), Gabby Eigenmann (Citizen Jake), Joem Bascon (Double Twisting, Double Back), Soliman Cruz (Gusto Kita With All My Hypotha­lamus), Menggie Cobarrubias (Kung Paano Hinihintay Ang Dapit­hapon),  Richard “ Ebong” Joson (Liway), Arron Villaflor (Mamu, And a Mother Too) at Nan­ding Josef (Signal Rock).

Pasok naman sa outstanding achievement in directing sina Whammy Alcazaren (Never Tear Us Apart a.k.a Fisting), Dwein Baltazar (Gusto Kita With All My Hypothalamus), Dwein Baltazar (Oda sa Wala), Lav Diaz (Ang Pa­nahon ng Halimaw), Timmy Harn (Dog Days), Erik Matti (Buy Bust), Joel Ruiz (Kung Paano Siya Nawala) at Jerrold Tarog (Goyo: Ang Batang Heneral).

Sampung pelikula naman ang maglalaban bilang pinakamahusay na pelikula ng taon. Ito ay ang Ang Dalawang Mrs. Reyes, Ang Panahon ng Halimaw,  A Short History of a Few Bad Things, Dog Days, Goyo: Ang Batang Heneral, Gusto Kita With All My Hypothalamus, Kung Paano Siya Nawala, Never Not Love You, Never Tear Us Apart a.k.a Fisting at Oda sa Wala.

Sa short film category naman ay nominado ang Baguio Address No. 10 ni Mervine Aquino, Manila is Full of Men Named Boy Andrew ni Stephen Lee,‘Wag Mo kong kausapin (Please Stop Talking) ni  Josef Gacutan, Siyudad sa Bulawan (City of Gold) ni Jarell Serencio, Gabi ng Kababalaghan (Mysteries of the Night) ni Stephen Lopez, Pulangui ni Bagane Fiola, Tembong (Connecting) ni Shaira Advincula, Sa Among Agwat (In Between Spaces) ni Don Senoc, Balai (Home) ni Klarisse Purugganan at Madugo ang Gabi ni Alex Torres.

Best documentary film nominees ang All Grown Up ni Wena Sanchez,Call Her Ganda  ni PJ Raval at Pag-ukit sa Panini-wala ni  Hiyas Baldemor Bagabaldo.

Comments are closed.