JUDY ANN SANTOS AT RAYMART SANTIAGO TANDEM SUSUBUKAN

PANAY na ang pagpapakita ng trailer ng Kapamilya shows na unang isasalang nila for 2019. Ang tatlongreflection malala­king programa ng Dos na magsisimula ngayong buwan ay ang “The General’s Daughter,” “World Dance” competition at ang pagbabalik ng “Minute to Win It.”

Bukod diyan, marami pang mga programa ang ABS-CBN ang naka-standby gaya ng “Starla” ni Judy Ann Santos. Middle of last year pa nabalita ang seryeng gagawin ni Juday sa Kapamilya network but up to now mukhang ‘di pa siya isasalang sa ere.

Napanood na namin ang ilang eksena sa “Starla” at mukha namang promising. Plus, fresh para sa viewers na makakapareha ni Juday ang ex-hubby ni Claudine Barretto na si Raymart Santiago.

Sa nakaraang Christmas special ng Dos ipinakilala sa audience ang tambalan nina Juday at Raymart. In fairness, they look good together on stage at may mga kinilig na fans sa Araneta Coliseum. Ibig sabihin, may dating ang Juday-Raymart tandem.

Sa production number naman niya kasama ang mga kapatid na sina Rowell at Randy Santiago, bigay na bigay siya sa pagsayaw, huh. Mukhang en-joy na enjoy siya sa pagsayaw with his siblings. Parang dream come true sa Santiago brothers ang magkakasamang sumayaw on stage.

Nagkaroon naman kami ng chance na makausap ang isa sa mga bidang child star sa “Starla” na si Enzo Pelojero na kilala rin bilang si Bingo. Mara-mi na raw silang na-tape na episode ng “Starla” and very happy siya na nakatrabaho si Juday.

“First time ko po siya nakita. Nu’ng una po, med­yo hindi pa kami close. Nu’ng tumagal po, lagi na kaming nagba-bonding. Minsan po bi­nibigyan niya ako ng mga chocolate,” kuwento ni Enzo. After that, close na raw sila ni Juday.

Si Enzo ang bagong image model ng Hammerhead for Kids Jeans and Shirts. Nag-expire na kasi ang kontrata ng dati nilang endorser na si Onyok Pineda.

Bata pa lang ay nasa model na si Enzo. Tapos ay nag-workshop siya hanggang makuha sa ‘Mini Me’ contest ng “It’s Showtime.” Naging second runner-up si Enzo kung saan ginawa niya bilang mini-me si Daniel Padilla.

Pagkatapos ay na­ging bahagi na siya ng Sinemoto segment sa noontime show ng Dos na tumagal ng tatlong buwan. Dito nakilala si Enzo bilang si “Blad.”

Then, nagkaroon siya ng ilang guestings sa “Maalaala Mo Kaya” hanggang kunin siya sa for a special role sa “Ang Panday” ni Coco Martin. At sa ngayon, bahagi pa rin si Enzo sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang si Dexter.

Nakatanggap na rin daw siya ng nomination mula sa PMPC Star Awards for TV sa kategoryang Best Child TV Performer of the Year nu’ng 2017 at 2018.

Dahil sa achievements na ‘yan ni Enzo kaya siya ang napili ng Hammerhead for Kids na child celebrity endorser ng kanilang shirts and jeans line.

COCO MARTIN MAY KONSEPTO NA SA SUSUNOD NA MMFF     

Coco MartinSPEAKING of “FPJ’s Ang Probinsyano’ star na si Coco Martin,  inulan ng mga papuri ang 2018 Metro Manila Film Festival movie niya na “Jack Em Popoy The Puliscredibles” with Vic Sotto and Maine Mendoza. First few days of showing pa lang ay kumalat na agad sa social media ang maga-gandang reviews sa “Jack Em Popoy.”

No wonder bumulusok agad ang kita nito sa takilya. Dikit ang kita ng “Jack Em Popoy” sa “Fantastica” ni Vice Ganda na nasa unang puwesto. Pero para sa amin winner na si Coco dahil paganda nang paganda at nagle-level up talaga ang movie na isinasali niya sa MMFF.

Nag-e-effort at sobrang metikuloso kasi ni Coco sa pagtanggap ng project. May lisensya naman siya pagdating d’yan dahil umpisa pa lang ng career niya, sumalang na siya sa mga dekalidad at pang-international films.

For sure, ngayon pa lang ay may nabuo nang konsepto si Coco para sa susunod na movie niya para sa 2019 MMFF. Sana lang manalo ng Best Actor award si Coco sa MMFF this year.