TALAMAK pa rin ang operation ng jueteng sa probinsiya ng Pangasinan, batay sa nakalap ng ilang opisyal ng barangay sa nasabing lalawigan.
Ayon sa mga konsernadong mamamayan, ang mga nagpapatupad umano ng juenteng con STL ay nakilalang sina Anthony Ang Angco, Lito Jose Millora at isang nakilala lamang na alyas Marso ng Bayambang, Pangasinan.
Napag-alaman sa mismong empleyado sa PCSO Urdaneta City, kung ililegal ang koleksiyon sa STL at hindi makayanan, ang mga mga gambling lord na nabanggit ang engreso sa PCSO ng milyong piso.
Dahil dito, may ulat na ibinu-bookies umano ang STL para kumita sila sa labas at may maiaabono sila sa kakulangan sa kanilang engreso sa PCSO.
Ang pinakamasaklap dito, pati ang porsiyento na para sa kaban ng bayan ay nadadaya at minsan ay hindi nila naibibigay dahil kaunti lamang ang idinedeklarang koleksiyon kada araw.
Lagi pa umanong ipinangangalandakan na lehitimong STL ang kanilang operasyon.
Napag-alaman pa na ang PNP Regional Director Region 1, Romulo Sapitola, Pangasinan PNP Provincial Director Wilson Joseph Lopez at mga hepe ng kada bayan ay tumatanggap umano ng payola mula sa jueteng.
Dahil dito, nais iparating ng mga opisyal ng barangay, mga samahan ng Simbahang Katoliko, mga NGO, at mga taumbayan kay PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde at Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang mga pulis na sangkot sa ilegal na sugal. BENITO LAMSEN
Comments are closed.