JUETENG SA REGION 4-A MULING UMARANGKADA

JUETENG

sumasakay sa laro ng STL

LUCENA CITY – Dalawang abogado ang nasa likod ng muling pagsulpot ng jueteng sa lalawigang ito na umano’y sumasakay sa legal na operasyon ng Small Town Lottery.

Pahayag ito kahapon ng isang mataas na opisyal ng kapitolyo rito na nagsabi pang gina-gamit ng mga ilegalista ang pangalan ng regional director ng kapulisan na si Gen. Edward Carranza.

“Obyus namang nagbubulag-bulagan din lang ang PNP provincial director na si Col. Audie Madrideo… kasi wala silang sery-osong kampanyang isinasagawa kahit lantarang nagpapataya ang mga kubrador ng jueteng maging sa mga pampublikong lugar tulad ng palengke at munisipyo,” sumbong ng naturang opisyal.

Kinilala nito ang mga bagong financer ng jueteng na sumasakay bilang bookies ng STL sa lalawigang ito na sina Atty. Iraflor at Atty. Abro na umano’y kaladkad naman ang pangalan ni Mayora Reynoso ng Tayabas, Quezon.

Ang pagsulpot ng jueteng, o STL bookies, ay kasabay ng muling pag-operate ng mga legal na loteryang lokal makaraang ihayag ni Pangulong Duterte na payagang magpalaro ang mga Authorized Agent Corporations (AACs) basta’t sundin ng mga ito ang mga bagong alituntunin ng PCSO at mag-remit ng tamang kita sa gobyerno.

Matatandaang ipinasara ni Pangulong Duterte ang lahat ng uri ng sugal na nasa ilalim ng PCSO dahil sa umano’y sari-saring anomalya, pero agad na ibinalik nito ang lotto.

Noong mga huling araw ng nakaraang Agos-to ay pinayagan naman ng Pangulo ang muling pagbukas ng mga larong lokal na loterya ng STL na siya namang sinabayan ng mga ilegalistang mamumuhunan ng ilegal na jueteng.

“Maging sa Laguna at sa buong rehiyon ng Calabarzon ay namamayagpag ulit ang STL bookies na klaro namang jueteng ang laro… na obyus itong pinoprotektahan ng ilang tiwaling opisyales ng lokal na kapulisan” pahayag naman ito ng isang alkalde sa nabanggit na lalawigan.

Sinabi ng naturang alkalde, na ayaw magpabanggit ng pagkakakilanlan, na “malinaw ang paniniwala ng aking mga kababayan na konektado ang STL bookies sa kapulisan dahil hindi seryoso ang provincial PNP sa pangunguna ni Col. Eleazar Matta na hulihin ang mga ilegal na kubrador.”

Isang Alyas Totoy at ilang tiwaling pulis sa naturang probinsiya ang sinasabing nasa likod ng operasyon ng STL bookies, o jueteng, na umaabot pa umano ang pangongolekta ng taya sa mga laylayang bayan ng katimugang Metro Manila.   PILIPINO Mirror Reportorial Team