Magkabati na pala sina Julia Barretto at Bea Alonzo matapos ang matagal na cold war dahil kay Gerald Anderson.
Ayon kay Julia, nakadama siya ng kapayapaan sa pagbabati nilla ni Bea, lalo pa nga at matagal din silang hindi nagpansinan. Sana raw, tuluy-tuloy na ityo.
Matatandaang nagkairingan ang dalawa matapos malaman ni Bea na noon ay karelasyon ni Gerald, na may relasyon din pala ang binate kay Julia. Nagpaliwanag si Gerald hinggil dito, ngunit nanatili pa ring nagkasamaan ng loob ang dalawang babae.
Noong 2019, napakaraming intriga ang inabot ni Julia dahil sa nasabing relasyon, at parang sinubok din ang relasyong Julia-Gerald, ngunit nalampasan nila ito. Hangga ngayon ay sila pa rin.
Marami raw nagawa noon si Julia na pinagsisisihan niya ngayon. Marahil daw ay dala ito ng kanyang kabataan. At marahil din, nasaktan nga nita si Bea ng hindi sinasadya. NLVN