JULIA BARRETTO DINALA NA NI JOSHUA SA KANILANG BAHAY SA BATANGAS

JULIA-JOSHUA

DINADALA na ni Joshua Garcia si Julia Barretto sa Batangas kung saan nakatira at lumaki ang younghot shots actor.

Noon pa gustong dalhin ni Joshua ang ka-loveteam at rumored girlfriend sa kanilang bahay sa Batangas at ito rin ang gustong  mangyari ni Julia na makita at mapuntahan ang kina­lakihan ni Joshua.

Nakunan ang pagpunta ni Julia sa bahay ni Joshua nang team ng Magandang Buhay na kung saan ay tinanong ni Melai Cantiveros, isa sa host ng natu­rang show sa ABS-CBN si Joshua kung si Julia ba ang kauna-unahang babae na dinala niya sa kanilang bahay. Sagot naman ng young actor, may nakapunta na rin raw pero puppy love lang naman daw ‘yun.

“Dati may nakapunta sa bahay ko pero ‘yung time puppy, puppy love pa. Ito talaga kasi (si Julia) masa­sabi mong love mo talaga na naipakilala mo. Kasi siya rin naman talaga ‘yung ipinakilala  ko sa mga magulang ko,” say ni Joshua.

Pinatotohanan naman ng ama ni Joshua na si Julia lang daw ang talagang minahal ng anak at dinala sa kanilang bahay.

Sa bahay ni Joshua sa Batangas ay makikitang tinuturuan ng young actor si Julia kung paano magbunot. Noon kasing bata pa si Joshua ang madalas napag-uutusan ng kaniyang ama na magbunot ng sahig ng kanilang tahanan.

Samantalang hindi na nakapagtimpi si Julia na sagutin ang bashers na pumupuna sa sweetness nila ni Joshua. Bakit hindi na lang daw ma­ging masaya ang lahat at kailangan pa silang batikusin sa pagi­ging sweet nila sa isa`t isa ni Joshua.

SITCOM NI JOHN LLOYD TITIGBAKIN NA

JOHN LLYOD-2Tila napagdesisyunan na ng management ng ABS-CBN na tuluyan nang tapusin ang TV show nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz na Home Sweetie Home dahil seryoso na raw si Lloydie na layasan nang tuluyan ang showbiz para maging simpleng ama sa anak nila ni Ellen Adarna.

Matagal din naghintay ang management ng Kapamilya sa pagbabalik ni Lloydie kaya ginawan nila ng paraan ang takbo ng istorya. Nandoon ipinasok muna si Piolo Pascual pero hindi puwede magtagal ni Papa P sa show dahil marami rin itong commitment kaya kinailangan na ng network na humanap ng ipapalit sa timeslot nito.

Kung hindi kami nagkakamali, ang ipapalit sa timeslot ng Home Sweetie Home ay ang Playhouse na pagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Mala­king sugal din ang gagawin ng ma­nagement para tuluyan nang tsugihin ang sitcom nina Toni at Lloydie para palitan ng bagong sitcom nina Angge at Zanjoe.

May teaser na ang sitcom nina Angelica at Zanjoe at mukha naman itong nakakatuwa na puwedeng abangan ng mga televiewer ang takbo ng istorya.

ROSEMARIE GIL BALIK SA PAG-ARTE

ROSEMARIE GILAng unang naging masaya sa pagbabalik ni Rosemarie Gil sa pag-arte ay ang magkapatid at anak niyang sina Michael de Mesa at Cherie Gil. Mapapanood na si Ms. Rosemarie sa serye nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Ngayon at Kailanman.

Sa mga hindi nakaka­kilala kay Ms. Rosemarie, siya ay dating contract star ng Premiere Production (na hindi na active ngayon) kung saan sila nagkakilala ng naging husband na si Eddie Mesa na that time ay isa rin sikat na actor at singer.

Naka-base na sila ngayong mag-asawa sa Tate at head na ng isang Christian community doon si Eddie.

Ang anak na si Cherie ang nagkumbinse kay Rosemarie na muling umarte at magbalik sa showbiz. At hindi naman nabigo ang anak dahil nagsimula na nga umarte at napapanood ang veteran actress sa serye nina Joshua at Julia.

Kasama ni Rosemarie sa serye si Iza Calzado at excited na raw si Miss Rosemarie na maka-eksena ang dalawang sikat na loveteam ng bansa. Halos kasing-edad daw kasi nina Joshua at Julia ang kanilang apo ni Eddie.

Sayang nga naman kung ibuburo lang ni Miss Rosemarie ang kanyang galing sa pag-arte.

Comments are closed.