Malaki raw ang laban ni Julia Barretto sa best actress award sa 50th Manila Film Festival 2024, kahit pa ang makakatapat niya ay mga beteranang sina Star for All Seasons Vilma Santos at Young Superstar Judy Ann Santos.
Hold me close ang kay Julia, Uninvited kay Vilma at Espantaho naman kay Judy Ann. Lahat daw yan, magaganda.
Mismong ang kapareha ni Julia na si Carlo Aquino ang nagsabing napakahusay niya sa Hold Me Close. Knowing Carlos, hindi yan palasalita lalo na kung kapareha niya ang pinag-uusapan.
Kung si Julia ang tatanungin, hindi siya confident. Idolo raw kasi niya sina Ate Vi at si Juday. Basta para sa kanya, great honor na talagang makalaban sila sa 50th MMFF.
Reunion movie raw ito nina Julia, Carlo at Director Paul Laxamana. Una silang nagkasama sa critically-acclaimed movie na Expensive Candy na produksiyon ng Viva Films at ipinalabas sa mga sinehan noong Setyembre 14, 2022.
“Feeling ko, pre-planned na magre-reunion kaming tatlo,” ani Julia.
Walong taon nang walang entry si Julia sa MMFF. 2016 pa ang Vince & Kath & James, kaya nasasabik siyang muling sumakay sa float para sa Parade of Stars sa Disyembre 21, 2024.
“I am really looking forward [na sumakay] sa float, actually ‘coz the first one I did was in 2016 for Vince & Kath & James.